SUV hulog sa creek, driver na senior citizen sugatan
MANILA, Philippines — Sugatan ang isang senior citizen matapos mahulog sa creek ang minamaneho niyang SUV sa bahagi ng Araneta Avenue sa Brgy. Manresa, Quezon City pasado 7 ng gabi nitong Sabado, Hulyo 4.
Ayon sa mga rumespondeng awtoridad, mag-u-u-turn dapat ito, nang napa-angat at nahulog sa creek na walang harang. Nagkamali ng lilikuan ang driver at hindi napansin na walang harang ang creek.
Kaagad namang nailabas ng mga awtoridad ang senior citizen na driver na isinugod sa ospital.
Samantala, ayon sa MMDA, positibo sa impluwensya ng alak ang driver ng SUV.
- Latest


















