^

PSN Palaro

Alex Eala gumawa ng history sa Wimbledon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Alex Eala gumawa ng history sa Wimbledon
Alex Eala
STAR / File

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ni Alex Eala ang kampanya nito matapos ilampaso si Renata Zarazua ng Mexico sa bendisyon ng impresibong 6-1, 6-2 panalo kahapon sa opening round ng Wimbledon Championships sa All England Lawn Tennis and Croquet Club sa London, England.

Gumawa ng kasaysayan si Eala bilang kauna-unahang Pinoy na nagtala ng panalo sa singles ng Wimbledon Championships.

Mainit ang ratsada ni Eala sa umpisa pa lamang ng bakbakan nang pakawalan nito ang matatalim na serves at solidong baseline attacks para makuha ang 1-0 bentahe.

Naipag­patuloy ng Pinay netter ang magandang momento sa second set para mabilis na patalsikin ang Mexican netter sa loob lamang ng isang oras at 19 minuto.

“I’m very happy with my first round. I think that I played really well and kept the intensity throughout the whole match so I’m hoping to keep this momentum going throughout the week,” ani Eala.

Ang panalo rin ang nagsilbing resbak ni Eala kay Zarazua na tumalo sa kanya sa quarterfinals ng W100 Cary Tennis Classic noong 2024 (6-3, 4-6, 3-6).

Hindi naman matutu­pad ang inaa­sam na pakikipagtuos ni Eala kay tennis le­gend Sere­na Williams sa second round.

Bigo si Williams na makapasok sa susunod na round matapos matalo kay Maya Joint ng Australia 6-3, 6-7 (6), 6-3, sa opening round.

Ngunit may ibang mis­yon si Eala.

Pakay nitong makabawi kay Joint — ang tumalo sa kanya sa finals ng Eastbourne Open noong nakaraang taon.

Maghaharap ang dalawa ngayong araw.

Sisimulan din ni Eala nga­­yong araw ang kam­pany­a nito sa doubles kasama si Nikola Bartunkova ng Czech Republic.

Makakalaban nina Eala at Bartunkova sina Jelena Ostapenko ng Latvia at Sofia Kenin ng Amerika sa opening round.

Nagpasalamat naman si Eala sa mga Pinoy fans na dumagsa sa venue para suportahan ang kanyang laban.

“I was really surprised. Well, the Filipinos keep surprising me in good ways,” ani Eala.

Sinabi pa ni Eala na tila naglalaro ito sa isang ‘home crowd’ scene dahil sa malakas na hiyawan ng mga Pinoy fans na nagsisilbing motibasyon nito sa kaniyang mga laro.

“I never would have thought that at Wimbledon I would have like a home crowd so super thankful and I really enjoyed that,” ani Eala.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with