Quezon City LGU nasungkit 6th COA Unmodified Opinion

MANILA, Philippines — Muling ginawaran ng Commission on Audit (COA) ang Quezon City Government ng Unmodified Opinion, ang pinakamataas na audit rating, sa ikaanim na magkakasunod na taon.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, patunay ito ng patuloy na maayos, tapat, at responsableng pamamahala sa pananalapi ng lungsod.
Ang Unmodified Opinion ay nangangahulugang ang financial statements ng lungsod ay tumpak, maaasahan, at sumusunod sa mga itinakdang pamantayan sa accounting at financial reporting ng pamahalaan.
Sinabi ni Belmonte na sumasalamin ang pagkilala sa disiplina at integridad ng mga kawani ng lungsod at sa tamang paggamit ng pondo ng bayan.
Dagdag pa niya, mananatiling prayoridad ng pamahalaang lungsod ang transparency, accountability, at paghahatid ng de-kalidad na serbisyo sa mga QCitizen.
- Latest


















