^

Metro

Negosyo, pamumuhunan tumaas sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniulat ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tumaas ang negosyo at pamumuhunan sa lungsod sa loob ng unang taon ng kanyang administrasyon.

Sa kanyang State of the City Address nitong Miyerkules, sinabi ni Domagoso na minana ng kanyang administrasyon ang P14.6 bilyong hindi pa nababayarang obligasyon ng lungsod. Aniya, nakabayad na ang lungsod ng P7.8 bilyon at tuluyan nang nabayaran ang P307 milyong utang sa Meralco, Maynilad at Manila Water.

Ayon sa alkalde, tumaas ng 332 porsiyento ang bilang ng mga bagong rehistradong negosyo at 105 porsiyento ang business renewals. Umabot din sa P9.3 bilyon ang halaga ng mga inaprubahang pribadong construction projects mula sa P2.7 bilyon noong nakaraang administrasyon.

Sinabi rin ni Domagoso na umakyat sa 90.3 porsiyento ang collection efficiency ng lungsod at sa P19.2 bilyon ang kabuuang kita ng Maynila. Nasingil din umano ang mahigit P309 milyong contractor’s tax mula sa mga flood control contractor.

Aniya, ang mga pag-unlad na ito ay bunga ng maayos na pamamahala sa pananalapi, pagtutulungan ng ehekutibo, lehislatibo, patuloy na pagpapatupad ng mga programang pang-edukasyon, at pangkalusugan.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with