Phillips, Pastrana bibida sa mga CPC awardees

MANILA, Philippines — Bibida sa gabi ng parangal sina Mike Phillips ng De La Salle University at Kent Pastrana ng University of Sto. Tomas sa Strong Group Athletics 4th Collegiate Press Corps 2026 Awards Night sa Lunes sa Discovery Suites Pasig.
Binalikat nina Phillips at Pastrana ang kani-kanilang koponan sa tagumpay kaya naman hihirangin silang Collegiate Men’s at Women’s Basketball Players of the Year, ayon sa pagkakasunod.
Napatunayan na karapat-dapat ang award na matatangap ni big man Phillips dahil naging susi siya para masilo ng DLSU ang pangalawang korona sa UAAP sa loob ng tatlong seasons, tinalo nila sa finals ang University of the Philippines.
Isa ring Gilas campaigner si Pastrana, nangingibabaw naman ito sa women’s ranks matapos nitong akbayan ang University of Santo Tomas na ibalik sa tuktok sa UAAP.
Bukod kay Phillips ang ibang bibigyan ng award sa men’s elite ay sina Collins Akowe (UST), pambato ng Colegio de San Juan de Letran Jonathan Manalili, Janti Miller ng San Beda University at FEU cager Janrey Pasaol.
Ang nasabing taunang awards night ay inorganisa ng UAAP/NCAA Press Corps na binubuo ng mga print at online reporter na nagko-cover sa campus beat.
- Latest
























