Babala ng eksperto: Inobasyon, pantapat vs human trafficking
MANILA, Philippines — Sa kabila ng ika-10 sunod na taon ng Pilipinas sa Tier 1 status ng 2025 U.S. State Department Trafficking in Persons (TIP) Report, nagbabala ang mga anti-trafficking advocates na hindi dahilan ang isang dekadang top-tier status para maging kampante, dahil patuloy na nauungusan ng mga krimeng natutulungan ng teknolohiya ang tradisyonal na pagtugon ng mga awtoridad.
Ayon sa International Justice Mission (IJM) sa isang kaugnay na post sa kanilang website, nananatili ang mga kakulangan sa laban kontra trafficking sa Pilipinas dahil matigas ang ulo at namamayagpag ang mga krimeng natutulungan ng teknolohiya.
Inilabas noong huling bahagi ng Setyembre 2025 ng US State Department’s Office to Monitor and Combat Trafficking in Persons, pinuri ng ulat ang gobyerno ng Pilipinas sa patuloy nitong pagtugon sa minimum standards para sa pagpuksa ng sex at labor trafficking, gayundin sa bigay ng “sapat na mahigpit” na parusa sa mga pagkakasala.
Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, ang iminungkahing Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) project ay eksaktong naghahatid niyan—isang integrated end-to-end na solusyon na sumasaklaw sa lahat ng pangunahing international gateways, kabilang ang mga paliparan ng NAIA, Clark, Davao, Mactan-Cebu, Boracay, Iloilo, Kalibo, Laoag, Bohol-Panglao, Puerto Princesa, at Zamboanga, pati na ang daungan ng Zamboanga at anim na border crossing station.
Kamakailan lang, ang Amerikanong fugitive na si Herbert Leon Kimble, na nasa “Most Wanted Fraudsters” list ng FBI, ay naaresto sa Pilipinas at ibinalik sa US upang harapin ang $1.2 bilyong kaso ng pandaraya sa healthcare.
- Latest


















