^

Bansa

Ping: Cayetano kawawa, malapit nang bumigay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ping: Cayetano kawawa, malapit nang bumigay
Senate President Alan Peter Cayetano assures on May 18, 2026 that Senate work and pending measures continue despite the leadership change in the chamber, with the Senate approving two priority measures on Third Reading on his second day as Senate president.
Senate Social Media Unit / Joseph B. Vidal via Facebook

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang pagtawag sa kanya ni Sen. Alan Peter Cayetano na isang “sunud -sunurang aso”.

“Kawawa naman. Kung anu-ano na ang sinasabi. Parang malapit nang bumigay. Sana hindi matuluyang mag-meltdown,” ani Lacson sa isang post sa X.

“ASO? HINDI KO KAILANMAN AAMIN ‘YAN. Pero siya — Kuya Ping ang tawag niya sa akin — matagal na… SELF-ADMISSION yata ang tawag dun,” dagdag pa ni Lacson.

Ang reaksyon ni Lacson ay kaugnay sa pahayag ni Cayetano na si Senate President Pro Tempore Tito Sotto III at Sen. Raffy Tulfo ay tuta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang tinawag din nitong tuta ni Lacson si Sen. Erwin Tulfo.

Samantala sa isang mensahe naman sa mamamahayag, sinabi ni Sotto na hindi na dapat patulan ang mala telenovelang mga ingay ni Cayetano na wala namang mararating.

Giit ni Sotto, isa lang itong pag-aaksya ng oras at dapat nang sumulong para sa ikabubuti ng bansa.

“It’s about time na huwag n’yo nang patulan ang mala telenovelang mga ingay na wala namang mararating. Waste of airtime. Lets move on for the good of the country,” pahayag ni Sotto.

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with