^

Metro

May-ari at contractor pinagbabayad ng P11.7 milyon ng DOLE

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa gumuhong gusali sa Pampanga

MANILA, Philippines — Pinagbabayad ng mahigit P11.7 milyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang may-ari at contractor ng gumuhong building project sa Angeles City, Pampanga dahil sa mga paglabag sa labor at occupational safety standards.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, napatunayang may pananagutan si Jackson Lim at ang Golden Years Construction and Steelworks Corp. matapos ang isinagawang imbestigasyon.

Kabilang sa kabuuang multa ang mahigit P1.1 mil­yon para sa labor standards violations at P10.3 milyon bilang administrative fine dahil sa sinadyang paglabag sa Occupational Safety and Health Standards Law.

Natuklasan ng DOLE na ipinagpatuloy ang konstraksyon kahit may umiiral nang Work Stoppage Order, na naglantad sa mga manggagawa sa mapanganib na kondisyon na maaaring magdulot ng malubhang pinsala o kamatayan.

Kabilang din sa mga paglabag ang hindi pagbabayad ng tamang sahod at benepisyo, kakulangan ng personal protective equipment (PPE), kawalan ng kinakailangang safety personnel at permits, at pagsusumite ng mga pekeng sertipiko para sa safety officer at first aider ng proyekto.

Dahil dito, ieendorso ng DOLE sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa lokal na pamahalaan ng Angeles City ang kaso para sa kaukulang aksyon at posibleng pagsasampa ng mga kasong kriminal.

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with