PCSO, ayuda kaagad sa biktima ng lindol sa Mindanao!
MABILIS pa sa kidlat na kumilos ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga pamilya at komunidad na sinalanta ng 7.8 na lindol sa Mindanao. Hindi nagpatumpik-tumpik si PCSO General Manager Mel Robles at ang kanilang Authorized Agent Corporations para magpaabot ng tulong sa mga apektado ng lindol. Sinabi ni Robles na ang mga AACs sa Mindanao, kasama na ang ibang ahensiya ng gobyerno, ang kumilos kaagad upang magbigay ng ground support sa mga residente. Ang tectonic earthquake ay tumama sa Sarangani province bandang 7:37 a.m. nitong Lunes, na naging sanhi sa pagkagiba ng mga gusali, pagputol ng linya ng kuryente at iba pang utility services. Nataon pa ito sa pagbukas ng klase kaya’t iniutos kaagad ni President Bongbong Marcos ang pagpauwi, hindi lang ng mga estudyante, kundi maging ng mga workers ng gobyerno habang ina-assess ang damage na dala ng lindol. Tsk tsk tsk! Anong sey n’yo mga kosa?
Binigyan-diin ni Robles na ang kanilang mabilisang pagresponde, kasama ang AAC partners, ay kasama sa PCSOs mission na magbigay ng tulong at pag-asa sa mga Pinoy sa panandaliang pangangailangan. “Sa panahon ng sakuna, mas lalong nakikita ang tunay na diwa ng malasakit. Our KawanggaWarriors are showing up when our kababayans need us the most,” ang sabi ni Robles. “Through the collective efforts of PCSO and our Authorized Agent Corporations, we will continue to extend help, hope, and immediate support to families affected by this earthquake,” ang pangako pa ni Robles. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Iginiit ni Robles na ang PCSO ay nanatiling seryoso sa pagsuporta ng kumonidad sa oras ng kalamidad, sabay sabing ang ahensiya at ang mga partners nito ay may mahalagang papel na nilalaro upang siguraduhing ang mga tulong ay makarating kaagad-agad, lalo na sa mga malalayong apektadong lugar. “Ang PCSO ay laging handang umalalay sa ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng matinding pangangailangan. We thank our AAC partners in Mindanao for acting with urgency, compassion, and a shared commitment to public service,” ang pahayag pa ni Robles. Hehehe! Naiiba talaga ang PCSO sa liderato ni Robles, no mga kosa?
Ang malakas na lindol ay yumanig sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao, at maraming ari-arian at kagamitan ang giniba. Sa huling ulat kahapon, umabot na sa 37 katao ang namatay at marami pa ang nasugatan. Nangako si Robles na tuloy-tuloy lang ang kanilang relief efforts hanggang makaahon ang Mindanao. “PCSO and its AAC partners will continue to coordinate with local government units and concerned agencies to determine the needs of affected communities and help facilitate the delivery of appropriate assistance,” ani Robles. Abangan!
- Latest



















