^

PSN Palaro

Ginebra didikit sa korona

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra didikit sa korona
Lalabanan ng Gin Kings ang Tropang 5G ngayong alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
PBA IMAGE

MANILA, Philippines — Itatayo ng Barangay Ginebra ang malaking 3-1 lead sa pagharap sa nagdedepensang TNT Tropang 5G sa Game Four ng Season 50 PBA Commissioner’s Cup Finals.

Lalabanan ng Gin Kings ang Tropang 5G ngayong alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bago ang laro ay igagawad muna ang Best Player of the Conference award kung saan kandidato si Abarrientos at ang Best Import trophy na binabanderahan ni Brownlee.

Pangatlo si Abarrientos sa BPC race sa kanyang 37.2 statistical points sa ilalim nina No. 1 Robert Bolick (38.9sps) ng NLEX at June Mar Fajardo (38.6sps) ng San Miguel.

Nagtala naman si Brownlee ng 50.5sps sa Best Import derby kasunod sina Chris McCullough ng TNT (49.3sps) at Jaylen Johnson ng Rain or Shine  (47.2 sps).

Sa likod nina resident import Brownlee, Stephen Holt at RJ Abarrientos ay nilasing ng Ginebra ang TNT sa Game Three, 116-102, para makalapit sa inaasam na ika-16 korona.

Sa nasabing panalo ng Gin Kings ay nagposte si guard Scottie Thompson ng triple-double na 17 points, 11 rebounds at 11 assists.

“We know TNT will come back stronger and we need to be ready for the next game,” sabi ni Thompson sa Tropang 5G. “Wala pa kaming nagawa totally.”

Nakalusot ang Ginebra sa Game One, 102-100, habang nakatabla ang TNT sa Game Two, 101-94, sa kanilang best-of-seven series.

“Kapag Ginebra ang kalaban mo, dapat hindi puwedeng ganun kaagad ang lamang. Mas mabuting lamang ka na sa una,” ani Tropang 5G guard Roger Pogoy.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with