^

Punto Mo

Baldadong Senado at ­sintunadong gobyerno!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

WALANG lilikhain ang patutsadahan ng mga senador kundi baldadong sandalan ng kinabukasan ng mamamayan. Mga naglulupasay na taga-ugit ng batas na sumasahod mula sa pawis at dugo ng mamamayan. Pwe!

Nangangapa sa dilim ang taumbayan sa kung ano ang papakinabangin sa mga senador na sarado ang mga utak sa kinabukasan ng bayan. Bukas lamang ang diwa ng mga timawang senador sa pansariling papakinabangin. Gabaan sana kayo!

Mga senador na sagad sa porma at kayabangan na ang trabaho ay makipag-bangayan hindi dahil sa kapakanan ng bayan kundi sa pundasyon ng panlalamang. Magandang pruweba rito ang mga naging wanted na sa batas at ang ilan ay eksperto na sa paghihimas ng rehas. Nakakahiya kayo!

Mas gusto naman talaga ng karamihan sa mga pulitiko na maghirap nang todo ang mga kababayan nila. Mas madali nga namang magoyo at bolahin ang taong gutom at naglalaway sa suput-supot na ayuda na ninakaw din sa kanila.

Ang mga nangyayari sa senado ay singaw ng karumaldumal na pulitika. Pinagtatawanan na tayo ng ibang mga bansa at malamang na katakutan nang makipag-negosasyon hinggil sa pang-pinasyal na usapin dahil sa nabubulok nating gobyerno. Magaling lang tayo sa pangungutang na ang isang nakataya ay ang pakinabang mula sa “labor exportations”. Mga OFWs na nabibiktima rin ng mga pulitiko?

Sino ba naman ang mag-aakala na matapos ang Blue Ribbon Committee partial report hinggil sa karumaldumal na flood control anomaly ay walang gustong pumirma at biglang nagkaroon ng “kudeta” sa senado. Pero nang makulong si Jinggoy ay umarangkada ulit ang mga nabalagoong na minority group nina dating SP Tito Sotto at ngayon nama’y binembang si SP Pedro dahil deadlock ang bilang ng magkabilang kampo.

Para na tayong pina-aakyat sa madulas na “palosebo” samantalang ang mga pulitiko ay naglalaro ng “kainan ng mansanas” at “agawang buko”. Ganyan na po ngayon ang palaro ng Pulitikong Pambansa. Bring me contest naman ang sa Sandiganbayan at BJMP. Belaaaat!

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with