^

Metro

Tupad workers pinakilos ng DOLE sa Brigada Eskwela

Mer Layson, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Tupad workers pinakilos ng DOLE sa Brigada Eskwela
Nabatid na simula ngayong Lunes, Hunyo 1, kasama sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagpipintura bilang paghahanda ng mga pampublikong paaralan ang mga Parent-Teacher Association (PTA) para sa pagbubukas ng School Year 2026–2027.
Miguel De Guzman / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Pinakikilos ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nasa 240,000 benepisyaryo ng (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) para tumulong sa Brigada Eskwela—ang paglilinis at pagkukumpuni ng nasa 5,000 paaralan sa buong bansa.

Nabatid na simula ngayong Lunes, Hunyo 1, kasama sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagpipintura bilang paghahanda ng mga pampublikong paaralan ang mga Parent-Teacher Association (PTA) para sa pagbubukas ng School Year 2026–2027.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, kasabay ng Brigada Eskwela ang nationwide rollout ng programa upang makapagbigay ng agarang trabaho sa mga displaced at disadvantaged workers habang natutugunan ang panga­ngailangan ng mga paaralan bago ­magsimula ang klase.

Sinabi ni Tolentino na sabay-sabay itong ipatutupad sa lahat ng rehiyon matapos ang koordinas­yon ng mga DOLE regional director upang matiyak ang maayos na implementasyon ng programa.

Dagdag pa ng kalihim, hindi na lamang tugon sa kalamidad ang TUPAD, kundi isa na rin itong pa­raan upang pasiglahin ang lokal na ekonomiya at suportahan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay ng kabuhayan sa mga manggagawang nangangailangan ng tulong.

BRIGADA

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with