^

PSN Palaro

Philippines bets hataw ng 1 silver, 1 bronze sa Asian meet

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Pumasok na ang Pilipinas sa medal tally matapos kumana ang Pinoy tracksters ng isang pilak at isang tansong medalya sa Asian U20 Athletics Championships na ginaganap sa Kai Tak Youth Sports Ground sa Hong Kong.

Nagpasiklab sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag sa kani-kanyang paboritong events para makasiguro ng medalya.

Hindi ininda ni Espenilla ang malamyang simula nito upang makasikwat ng pilak sa javelin throw event.

Sa limang attempts, pinakamaganda na ang 47.71 metro na naitala ng 19-anyos Tigao Island, Masbate pride.

Ngunit inilabas ni Espenilla ang buong lakas nito sa kanyang final attempt para makuha ang perso­nal-best na 52.20 metro na nagdala sa kanya sa pilak.

“Ang mga una kong throws wala talaga kaya nagulat ako sa huling throw ko. Sabi ko lang sa sarili ko na bahala na, itatapon ko na lang ito kaya hindi ko talaga inexpect na mag-52 (meters),’’ ani Espenilla.

Magandang panalo ito para kay Espenilla bago sumabak sa World U20 Athletics Championships sa Oregon sa Agosto 5 hanggang 9 kung saan makakasama nito sa kampanya sina Jeralyn Rodriguez (400m), Naomi Cesar (800m) at Ivan Cabanda (400m hurdles).

Hataw din si Cadag na nakahirit ng tanso sa men’s 3000m steeplechase.

Nagtala si Cadag ng 9:35.10 para makuha nag ikatlong puwesto habang nanguna si Indian Nikhil Chandrashekar (9:25.44) at pumangalawa si Japanese Yuu Kato (9:27.30).

ESPENILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with