Cargo company, kinasuhan ng BOC sa DOJ

Halos 37k balik-bayan box inabandona
MANILA, Philippines — Ipinagharap ng criminal at civil complaint ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ang isang cargo firm na nag-abandona sa 36,826 balikbayan boxes ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Reklamong paglabag sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang isinampa laban sa Makati Express Cargo, Inc. (MECI) at mga opisyal at tauhan ng kumpanya.
Binanggit pa ng BOC na ang MECI ay hindi nagbigay ng tamang material information sa registration records, at bigo rin na ibunyag ang foreign consolidators at patuloy pa sa pagtanggap ng balikbayan box shipments sa kabila ng mga inabandonang balikbayan boxes at kakulangan sa operasyon.
Isang OFW ang nagpasalamat sa BOC at umaasa na sakaling hindi na makuha ang mga bagahe ay makakuha nang sapat na halagang katumbas ng mga nawawalang cargo.
Tiniyak naman ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno sa mga pamilya ng OFWs na isusulong nila ang kasong kriminal at mapanagot sa danyos.
“Kasama roon sa hahabulin natin, bukod sa civil at criminal cases, iyong danyos, iyong amount noong laman ng mga boxes. Mapanagot natin ito, hopefully masingil sila, kasama iyon sa ating gagawin,” ani Nepomuceno.
- Latest


















