^

Punto Mo

Dalagita sa China, agaw-pansin matapos ipakita ang kakayahang i-dislocate ang tuhod nang walang sakit!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

ISANG 19-anyos na dalagita mula sa Jiangxi, China, ang naging viral matapos niyang ipakita sa isang video ang kakaibang kakayahan niyang i-dislocate ang kanyang mga tuhod na hindi nasasaktan!

Ayon sa dalagita, ­hindi niya noon alam na may kakaiba sa kanyang mga tuhod hanggang ­mapansin ito ng kanyang mga kaklase. Habang naglalakad o kahit ­natutulog, bigla na lang umuusli ang kanyang mga tuhod, pero walang sakit na dulot sa kanya.

Dahil dito, napilit siyang magpatingin sa doktor at natuklasang mayroon siyang congenital patellar dislocation, isang bihirang kondisyon kung saan ang tuhod ay madaling natatanggal sa puwesto at bumabalik nang kusa.

Bagamat bihira sa mga babae ang ganitong kondisyon, sinabi ng doktor na hindi ito delikado hangga’t hindi siya nakararanas ng pananakit o nakaaapekto ito sa kanyang pang-araw-araw na gawain.

Sa viral video, ipinakita ng dalagita kung paano niya kusang nadi-dislocate ang kanyang mga tuhod at naibabalik agad ang mga ito. Marami ang nagulat, lalo na ang mga taong may karanasan sa sakit sa tuhod.

May ilan pang nagsabi na sumakit ang kanilang tuhod sa simpleng panonood lang ng video!

Sa kabila ng ­pagiging viral, tiniyak ng dalagita na wala siyang dapat ipag-alala hangga’t hindi siya sumasailalim sa ­matinding pisikal na ­aktibidad.

Gayunman, patuloy pa rin siyang sinusubaybayan ng mga netizens na naaliw at natakot sa kanyang hindi pangkaraniwang kakayahan!

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with