^

Punto Mo

Lalaking paralisado, nakakuha ng master’s degree sa pamamagitan ng pagkurap ng mata!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

ISANG 37-anyos na lalaki sa South Korea na halos hindi na makagalaw dahil sa muscular dystrophy ang nakapagtapos ng master’s degree sa pamamagitan ng pagsusulat ng thesis gamit lamang ang pagkurap ng mata.

Si Jang Ik-sun, na may karamdamang unti-unting nagpapahina at nagpaparalisa sa mga kalamnan, ay hindi nagpatalo sa kanyang kondisyon.

Sa kabila ng kawalan ng kakayahang magsulat o mag-type, isa-isa niyang binuo ang kanyang thesis gamit ang isang eye-tracking mouse, kung saan bawat letra ay kanyang itinipa sa pamamagitan ng pagkurap ng mata.

Hindi naging madali ang kanyang pag-aaral. Dahil hindi siya makahawak ng libro, gumamit siya ng scanner upang gawing digital ang mga aklat na wala sa e-book format.

Sa umaga, nagtatrabaho siya sa Gwangju Muscular Dystrophy Association, habang sa gabi ay dumadalo siya sa kanyang klase at nagpupuyat sa pag-aaral.

Noong Pebrero 21, opisyal siyang nagtapos sa Gwangju University na may master’s degree sa Social Welfare at tumanggap din ng isang academic award bilang pagkilala sa kanyang pagsisikap.

Sa kanyang thesis, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sapat na suporta para sa mga may kapansanan, lalo na sa mga umaasa sa ventilator para mabuhay.

Binatikos niya ang kakulangan ng tulong mula sa gobyerno, partikular na ang limitadong anim na oras na subsidized caregiving assistance para sa mga may malalang kondisyon.

Bukod sa kanyang academic achievement, aktibo rin si Jang sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa muscular dystrophy sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

“Ang kabiguan ay hindi pagkatalo hangga’t hindi ka sumusuko,” pahayag ni Jang. “Lahat tayo ay may karapatang magkaroon ng pagkakataon.”

MASTER’S DEGREE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with