‘Pala’ (Part 11)
“NANINIWALA rin ako Kuya na may dalang suwerte ang pala mo. Sana makapulot din ako ng ganyan,’’ sabi ng kapatid kong si Danilo habang hinihipo ang hawak kong pala.
“Sana nga para lagi tayong may pinagkakakitaan at nang matulungan sina Itay at Inay. Naaawa ako kay Itay na grabe ang hirap sa pagtatanim ng palay tapos kakaunti lang ang naaani dahil natutuyo. Wala kasing irrigation sa binubukid niya. Mabuti pa nga rito sa lupa ni Mam Socorro at may balon na pagkukunan ng tubig.”
“Bakit kaya hindi na lang gulay ang itanim ni Itay sa halip na palay,” sabi ni Danilo.
“Saan naman tayo kukuha ng bigas kapag gulay ang tinanim ni Itay.”
“Sabagay nga.’’
“Kaya nga sinikap kong makapagtrabaho rito sa lupa ni Mam. Narito pala ang suwerte natin—parang nakahukay tayo ng ginto.”
“Pero bilib talaga ako sa pala mo Kuya— pati ako nadamay sa suwerte mo.”
“Basta lagi kang kumabit sa akin at tiyak na marami tayong kikitain.’’
“Okey Kuya.”
“Alam mo Danilo, kung magtutuluy-tuloy itong suwerteng hatid ng pala, makakapag-aral ako sa kolehiyo. Magtatapos ako ng engineering.
(Itutuloy)
- Latest