^

Bansa

‘Monster ship’ ng China nasa Occidental Mindoro Mindoro na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
‘Monster ship’ ng China nasa Occidental Mindoro Mindoro na
Ayon kay PCG Spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, Lunes ng umaga nang mamataan sa naturang lugar ang China Coast Guard (CCG) vessel 5901, na tinaguriang ‘monster ship.’
Philippine Coast Guard / Facebook page

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang ‘monster ship’ ng China na unang namataang malapit sa Zambales ay lumipat ng lokasyon sa Lubang, Occidental Mindoro.

Ayon kay PCG Spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, Lunes ng umaga nang mamataan sa naturang lugar ang China Coast Guard (CCG) vessel 5901, na tinaguriang ‘monster ship.’

“Two days ago, na-monitor natin siya sa coastline ng Zambales, sa Capones Island, Zambales. Yesterday, umangat na siya sa northern part ng Zambales. Ngayong umaga (Lunes), as we speak, it is 80 nautical miles away from Lubang Island, Occidental Mindoro,” pahayag pa ni Tarriela.

Nilinaw naman ni Tarriela, na wala namang hina-harrassed na mangingisdang Pinoy sa lugar ang naturang barko.

Unang namataan ang ‘monster ship’, may 54 nautical miles ang layo mula sa Capones Island, sa Zambales noong Linggo, na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Kaagad namang idineploy ng PCG ang BRP Cabra, isang helicopter, at PCG Caravan upang bantayan ang barko.

Hinamon din umano nila ang presensiya ng CCG sa lugar at sinabihang sila ay nasa EEZ ng Pilipinas.

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with