2 miyembro ng ‘Salisi’ huli sa Quezon City
MANILA, Philippines — Arestado sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang miyembro ng ‘Salisi gang’ na ang target pagnakawan ay ang mga delivery van sa lungsod.
Sinabi ni QCPD Director, PCol. Melecio Buslig, Jr., na isinagawa ng mga suspek na sina Arnel Cabildo, 40, at Cazz Axl Samonte, 43, kapwa ng Navotas City ang pagnanakaw nang palihim na sumakay sa delivery van nina Rogelio Balza at Bernie Mondejar bandang alas 12:05 ng tanghali nitong Miyerkules sa kahabaan ng D. Tuazon St., malapit sa kanto ng NS Amoranto St., sa Brgy. Maharlika, Quezon City.
Maingat na binuksan umano ng mga suspek ang pinto sa likod ng van at saka tinangay ang mga mahahalagang bagay na nagkakahalaga ng P111,709.44.
Matapos ireport ang insidente ay agad nagsagawa ng follow-up operation ang La Loma police na pinamumunuan ni PLt. Col. Ferdinand Casiano, na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek sa Navotas City bandang alas-11 ng gabi ng araw ding iyon.
Narekober sa mga suspek ang mga ninakaw na kagamitan na nagkakahalaga ng P111,709.44, naKasong Theft (Salisi) ang isasampa laban sa mga suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.
- Latest