^

Probinsiya

1 pang barangay chairman todas sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
1 pang barangay chairman todas sa ambush!
Patay na nang datnan ng mga awtoridad sa driver’s seat ng kanyang sasakyan ang barangay chairman ng Laguilayan, Isulan, Sultan Kudarat na si Amado Serra, Jr., matapos na tambangan at pagbabarilin ng ‘di pa kilalang armadong grupo nitong Lunes ng hapon.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Isa na namang barangay chairman sa Central Mindanao ang napatay sa pamamaril, isang araw lang makalipas ang pag-ambush at pagpatay sa isa pang tserman at misis nito na nagsisilbing barangay secretary.

Naganap ang pananambang na nagsanhi ng agarang kamatayan ni Amado Serra, Jr., chairman ng Barangay Laguilayan sa Isulan, Sultan Kudarat sa Region 12, nitong hapon ng Lunes.

Sa mga inisyal na ulat nitong Martes ng Police Regional Office-12 at ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, minamaneho ni Serra ang kanyang kotse nang siya ay paputukan ng mga lalaking sakay ng mga motorsiklo na nakabuntot sa kanya, habang nasa isang bahagi ng kalye sa Purok 7 sa Barangay Laguilayan.

Nauna rito, napatay sa ambush nitong gabi ng Linggo, August 18, 2024, si Esmael Latip Mustapha, chairman ng Barangay Bulibod sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, sakop ng Bangsamoro region, at ang kanyang misis na si Rahima.

Naglalakad sina Mustapha at ang kanyang kabiyak sa isang kalye sa Barangay Bulibod nang pagbabarilin ng assault rifles ng mga armadong lalaki na inaalam pa ng mga imbestigador ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang pagkakakilanlan at kung anong grupo upang masampahan ng kaukulang mga kaso.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may kinalaman sa pulitika at nalalapit na halalan ang magkasunod sa insidente ng pana­nambang at pagpatay sa naturang mga barangay chairman.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with