^

Police Metro

Sexual torture nalantad sa POGO probe

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng pagdinig kahapon ng panel ng Kamara de Representantes sa mga kriminal na aktibidades na iniuugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ay nalantad ang sexual torture, man to man at iba pang uri ng pisikal na pang-aabuso.

Ang motu proprio na pagdinig ay isinagawa ng House Committee on Public Order and Safety sa pamumuno ni Sta. Rosa City Lone District Rep. Dan Fernandez at ng House Committee on Games and Amusement sa kautusan ni Speaker Martin Romualdez.

Halos hindi naman masikmura ng mga miyembro na panoorin ang mga video ng torture na nakunan sa mga POGO hubs sa bansa.

Kabilang sa mga ipinakita ay isang babae na pinagpupukpok ng metal pipe sa ulo at katawan, isang lalaki na kinukuryente, isang nakahubad na pinagpapalo rin ng matigas na bagay.

Nasa 5 clips ang ipinakita kung saan napilitan si Lanao del Sur 1st District Zia Alonto Adiong na pigilan na ang panel sa pagpapakita sa torture videos dahilan naka-livestream ang pagdinig at baka may mga batang makapanood nito.

Sinabi ni Fernandez na may sexual torture pa at man to man kung saan pinaparusahan ang mga hindi sumusunod pero dahil hindi na ito masikmura ng mga miyembro ng panel ay hindi na ipinakita pa ang maselang video.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with