^

PSN Showbiz

Andrea, ‘di maka-move on sa Korean actress!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Andrea, �di maka-move on sa Korean actress!
Andrea Brillantes
STAR/File

Nakatanggap ng mga cake ang young actress na si Andrea Brillantes mula sa kaibigan dahil nakayanan daw nito na maging single sa buong taon.

Big deal nga para sa kaibigan niya ang makayanan daw nitong walang lalake sa buhay niya sa loob ng 365 days.

Hindi lang isa kundi dalawang cake ang binigay ng mga ito kasabay ng Independence Day.

“OA sa pagiging supportive Ramdam kahit nasa states,” caption niya sa mga pinadalang cake ng mga kaibigang sina Bea Borres at Danica Ontengco na may nakasulat na “Congratulations! You’ve made it through an entire year, which is 365 days, without a boyfriend. Good job! – B&D”

Ipinost din nito ang isa pang cake na may nakasulat na “happy singlesary. 06.12” na may caption na “Happy Indepen­dence Day at Happy Anniversary sakin emz.”

Gaya ng dati ay binabantayan pa rin ito ng bashers at hindi nga ito nakaligtas sa mga ito.

Bakit nga daw ba sobrang big deal sa kanya na walang lalaki sa buhay nito.

Hindi nga raw ito magandang tingnan at bata pa raw ito para paikutin ang buhay niya sa lalake.

At sinabihan pa siyang nagpaparinig daw.

Samantala, ipinost din niya sa kanyang IG Story ang pag-panic niya nang makita ang pag-like ng litrato niya ng South Korean actress na bida sa It’s Okay Not To Be Okay na si Seo Yea Ji at hindi pa raw agad ito nag-sink in sa kanya. Siguradong marami ang napa-sana all sa kanya.

Eddys, may pang-akit!

Bongga ang The 7th Eddys ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na talaga namang itinuturing na isa sa pinaka-cre­dible na award-giving body.

Alam din ng lahat na magi­ging maganda ang Eddys dahil nirerespeto at mahal ng stars ang mga miyembro nito.

Isa pang pang-akit ng Eddys ang winners nila ng Icon awards, plus of course ang line-up ng stars na talaga namang aabangan ng viewers.

Mga respected editors / writers ang bumubuo ng Eddys awards kaya naman kaabang-abang ang kanilang 7th awardings na gagana­pin sa Ceremonial Hall, Marriott Grand Ballroom Newport World Resorts na ang Brightlight Productions ang line producer at mapanood sa AllTV.

Siyempre kabilang sa sponsors nila ang Beautederm, at kay Camille Villar na talagang hopeful na magiging very successful ang 7th Eddys.

So abangan sa AllTV ang Eddys ng SPEEd. Bongga.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with