^

PSN Showbiz

Batang aktres na may anak, naka-take home ng katrabaho

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nakasama ng isang junior actress na kahit may anak na eh may asim pa ang dalawang male talents sa isang eksena sa series.

Naging normal ang takbo ang eksana ni junior actress kasama ang dalawang male talents.

Matapos ang eksena, pumunta si junior actress sa director’s booth upang chumika. Laking gulat niya nang marinig ang boses ng talents na hindi pa pala natatanggal ang lepel mic.

Narinig niya ang boses ng isang male talent na nagsabing, “Pare, may asim pa si aktres. Parang masarap pa rin!” na tinaguan ng kapwa talent.

Nang umuwian na, pinatawag ni aktres si male talent na nagsabi na mag-asim pa siya. Una, dinedenay ni talent. Eh nang sinabi ng aktres na narinig niya sa lapel ang sinabi, hindi na nakatanggi si talent.

Ang ending? Take home na ni aktres si male talent na may hitsura naman!

Stell, bagong suki ng music lovers

Pumalag ang nanay ni Charice Pempengco o Jake Cyrus sa comparison kay Stell ng SB19 sa rendition nito ng kantang All By Myself.

Ito rin ang kinanta ni Charice bago siya naging Jake.

Eh maraming humanga kay Stell nang kantahin niya ito sa David Foster concert at naalala nga si Jake sa kantang ‘yon.

Naku, ganyan talaga ang buhay dahil si Stell ang flavor of music l­overs lalo na ngayon out of circulation na si Jake, huh!

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with