1 sa 20 baranggay sa bansa apektado ng droga - PDEA
MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Biyernes na sa 42,025 na baranggay sa buong bansa, 18 porsyento ang apektado ng droga.
Ayon kay PDEA chief Arturo Cacdac Jr., ang 18 porsiyento ay katumbas ng 7,732 na mga baranggay.
“A barangay is said to be drug-affected when there is a determined existence of drug user, pusher, manufacturer, marijuana cultivator or other drug personality regardless of number in the area,” pahayag ni Cacdac.
May tatlong kategorya kung gaano kaapektado ng droga ang isang baranggay: slightly affected, moderately affected at seriously affected.
Masasabing slightly affected ang isang baranggay kung mayroong mga gumagamit ng droga pero walang nagtutulak sa lugar; ang moderately affected ay may isang drug pusher sa isang baranggay; at ang seriously affected ay may isang drug laboratory, drug den o resort sa isang lugar.
Sabi pa ni Cacdac, 30.7 porsiyento ng lahat ng baranggay sa bansa ay nasa ilalim ng slightly affected, 61.6 porsiyento ang moderately affected, habang 7.7 porsiyento ang seriously affected . Dennis Carcamo
- Latest
- Trending