NSO Birth Certificate maaari nang makuha sa chat

MANILA, Philippines - Teleserv, ang pangunahing katuwang ng National Statistics Office sa paghahatid ng NSO Birth Certificate Delivery Helpline 737-1111, ay naglunsad ng bagong paraan upang makuha ng mga aplikante ang kanilang dokumento sa NSO. Ngayon, maaari nang makipag-usap at makakuha ng NSO certificate sa pamamagitan ng chat sa internet.

Pumunta lamang sa www.birthcertificates.com.ph at isang click lang ay mabubuksan na ang “chat window” kung saan maraming NSO Customer Care Officers ang handang makipag-usap sa mga aplikante at sagutin ang kanilang mga pangangailangan sa pagkuha ng dokumento ng NSO. Ang serbisyo ay bukas 24-oras araw-araw, maging araw ng Linggo o holiday man. Ang lahat ng NSO certificates ay ide-deliver sa bahay o opisina ng aplikante saan mang parte ng bansa. 

Nasa ika-sampung taon ng paghahatid ng kalidad na serbisyo, patuloy ang Teleserv sa pagpapalago ng mga serbisyo para sa Filipino tulad ng NSO Birth Certificate Delivery Helpline 737-1111 na naghahatid ng mga dokumentoi ng NSO, ng DFA Express Passport Delivery Hotline 737-1000 at oneline www.passport.com.ph para sa pagproseso at paghatid ng mga pasaporte, at ng POEA OEC Delivery online www. oeccdelivery.com.ph para sa paghahatid ng OFW overseas exit clearance.

Show comments