^

Probinsiya

9 suspek sa ‘vishing scam’ naaresto ng ACG

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
9 suspek sa �vishing scam� naaresto ng ACG
Iniharap ng mga otoridad ang siyam na suspek na sangkot sa “vishing scam” nang salakayin ang opisina ng mga ito sa General Trias City at Trece Martires City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

MANILA, Philippines — Siyam na miyembro ng sindikato na sangkot sa “vishing scam” ang inaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group sa gitna nang pananalasa ng bagyong Carina at habagat,kamakalawa ng gabi sa Cavite.

Sa ulat ni ACG Acting Director Police Brig. General Ronnie Francis M. Cariaga, nagpatupad ang mga tauhan ng ACG Cyber Response Unit (CRU) ng dalawang Warrants to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) laban sa pangunahing suspek sa kanyang opisina sa General Trias at bahay sa Trece Martires, Ca­vite, bandang alas-9:00 ng gabi.

Dito’y naaresto ang babaeng pinaniniwalaang lider ng grupo na si alyas “Apol,” 34, kasama ang 8 iba pang miyembro ng sindikato.

Modus ng grupo na tawagan ang mga biktima at magpanggap na em­pleyado ng mga bangko para makakuha ng impormasyon tungkol sa bank account ng mga biktima.

Narekober sa mga suspek ang registered SIM cards, Information and Communication Technology (ICT) devices, at samu’t saring dokumento na naglalaman ng bank at credit card information.

Nanawagan naman si PBgen. Cariaga sa publiko na ipagbigay-alam sa ACG kung sila ay naging biktima ng ‘vishing scam’, upang agad maaksyunan.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with