Diego, may planong gawan ng kanta sina Janine at Jericho
Kung magsusulat man ng kanta si Diego Gutierrez para sa sister niyang si Janine, isang happy song ang plano niyang isulat.
Tho walang inaamin sina Jericho Rosales and Janine sa status ng kanilang relasyon, ramdam naman na pareho silang maligaya sa kasalukuyan na magkatrabaho sa Lavender Fields. “So, ayun, siguro something about that... Kung gaano siya ka-happy ngayon and blessed. Lalo na sa career niya, work and everything. Kakagaling niya lang sa Venice Film Festival. So, ang dami niyang blessings recently,” sagot ni Diego sa pangungulit sa kanya tungkol sa kapatid sa press launching ng kanyang second single na Huling Sayaw.
Aniya, pumupunta sa bahay nila si Jericho at mabait naman daw ang actor.
“Nakikita ko naman na masaya siya (Janine). I think he’s a good guy, parang kuya.”
May plano ba siyang magka-album or more on singles?
“Hopefully, next year, we’ll be able to put out an EP first. Hindi muna album. Pero sa ngayon, I’m just trying to put out as much music as I can consistently. Para maipon nang maipon. And then, magagawa ng EP.”
More on music si Diego bagama’t gusto rin niyang makilala bilang isang aktor.
At tuwing may bago siyang kanta, sa kanyang pamilya niya niya unang ipinaririnig. “Sa mga kapatid ko, at saka sa friends ko. Actually, ‘yung Huling Sayaw, ‘yung una akong pinakinig kela ate Janine saka kela mama (Lotlot de Leon), naiyak din sila kasi medyo malungkot nga ‘yung song,” aniya sa bagong kanta na sinulat niya pagkatapos ng kanilang break up ng girlfriend for seven years.
Malungkot ka pa rin ba ngayon? “Hindi na. I’m in a better place na,” aniya pero nakatulong daw ang pagsusulat ng kanta para umayos ang kanyang pakiramdam.
“Oo, nakakatulong talaga. Kasi, I’m the type of person who really doesn’t open up much kahit sa family ko. Hindi talaga ako masyadong makuwento kapag may pinagdaraanan. So, songwriting talaga ‘yung outlet ko to express feelings.”
Sa ngayon ay focus muna siya sa kanyang career.
“I’m also the type of person to not look for it. If it comes, it comes. So right now, I just really want to focus on my attention sa career ko, sa music ko.”
Pero may mga ideal girl ka ba? “Ideal girl? Wala naman. Wala naman akong masyado.”
Pero type mo rin ‘yung mga showbiz, I mean sa mga young star ngayon?
“Marami rin po talagang magagandang mga artista.”
Open din aniya siya sa konsepto ng loveteam.
Anyway, one year na ngayon since maghiwalay sila ng girlfriend.
And since then, hindi pa ulit siya nakikipagrelasyon.
Hanggang matapos ang pakikipag-usap namin sa kanya ay hindi na sinagot ni Diego ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Kaya natanong siya kung gaano katagal niyang sinulat ‘yung Huling Sayaw?
“Siguro it took me then, four months or three months. Pero nung nasimulan ko na ‘yang isulat, it’s actually one of the first songs na medyo mabilis ko natapos. Parang mga one to two weeks lang, tapos na ‘yung lyrics.”
At ang mensahe ng kanta, aniya ay : “The message of the song is basically that it’s at the point of the relationship: na medyo nakikita mong nag-iiba na. Parang hindi na siya the same as before. Parang kahit anong gawin mo... So parang hopeful for one last dance, huling sayaw.”
Pero hindi ba niya naisip na gawan ng kanta ang lola niyang si Pilita Corrales?
“Ayun ang tatrabahuhin ko next.”
Si Janine ang isa sa mga producer ng docu film ng kanilang mamita.
50 movies ng MMFF, palabas na sa mga sinehan
Nag-umpisa na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ng mga special screening ng iconic MMFF movies sa nakalipas na 50 taon sa iba’t ibang sinehan sa abot-kayang halaga na P50 bilang bahagi ng pagdiriwang sa 50th edition nito!
May kabuuang 50 MMFF movies na sumasaklaw sa iba’t ibang genre —drama, comedy, action, horror, romance, adventure, historical, musical, and fantasy—upang maraming pagpilian ang mga manonood na tatagal sa mga sinehan hanggang Oktubre 15.
Ang ilang mga pelikula ay sumailalim sa restoration, quality improvements, and remastering upang magbigay ng masayang karanasan sa panonood, ang iba naman ay naiwan sa kanilang mga orihinal na kopya upang iparamdam ang koneksyon sa nakaraan.
Narito ang 50 MMFF movies na bahagi ng Sine Sigla sa Singkwenta:
1) Insiang
2) Mano Po
3)Jose Rizal
4) Crying Ladies
5) Ang Panday (1980)
6) Big Night
7) Ang Tanging Ina Mo
8 ) Minsa’y Isang Gamu-Gamo
9) Langis at Tubig
10) Blue Moon
11) Ang Panday (2009)
12) Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon
13) Walang Forever
14) Bulaklak ng Maynila
15) Moral
16) Himala
17) Captain Barbell (1986)
18) Kung Mangarap Ka’t Magising
19) Ang Alamat ng Lawin
20) Ang Larawan
21) Shake, Rattle, and Roll II
22) Atsay
23) Mga Bilanggong Birhen
24) Kung Mawawala Ka Pa
25) Die Beautiful
26) Agila ng Maynila
27) Manila Kingpin the Untold Story of Asiong Salonga
28) May Minamahal
29) Sunday Beauty Queen
30) Magic Temple
31) Ang Babae sa Septic Tank 2
32) Brutal
33) Markova
34) Miracle in Cell No. 7
35) Shake, Rattle, and Roll 1
36) Darna (1991)
37) Bad Bananas sa Putting Tabing
38) Karnal
39) Tanging Yaman
40) Firefly
41) Bonifacio ang Unang Pangulo
42) Karma
43) One More Try
44) Imortal
45) Kasal, Kasali, Kasalo
46) Okay Ka Fairy Ko
47) Yamashita the Tiger’s Treasure
48) Gandarrapido Revenger Squad
49) Feng Shui II
50) Rainbow’s Sunset
Mapapanood ang mga ito sa mga sumusunod na sinehan: SM Cinema, Robinsons Movie World, Ayala Malls Cinema, Megaworld Cinemas, Gateway Cineplex 18, Fisher Box Office, Shangri-La Plaza Cinema, Red Carpet Cinema, and Vista Cinema.
- Latest