Ping, umaasa sa mapayapang pag-aresto kay Bato

MANILA, Philippines — “Mabigyan ng due process si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at kung sakaling maaresto ito na maging mapayapa ang pag-aresto at walang humantong sa trahedya”.
Ito ang inaasahan at ipinapanalangin ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson at iginiit na ang due process ay isang pangunahing karapatang ginagarantiyahan sa bawat tao, kabilang si Dela Rosa.
“Senator Ronald dela Rosa is my Senate colleague, a former subordinate in the Philippine National Police, and a fellow Philippine Military Academy Cavalier. I sincerely hope and pray that should his arrest take place sooner or later, it will be carried out peacefully, without violence or tragedy,” ani Lacson.
Nahaharap si Dela Rosa sa pag-aresto sa bisa ng warrant na inilabas ng International Criminal Court kaugnay ng giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.
Nagtago siya noong huling bahagi ng nakaraang taon matapos malaman ang tungkol sa warrant.
Nagpakita siya sa Senado noong Mayo 11 upang bumoto para kay Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate president, ngunit tumakas sa Senado kasunod ng isang pamamaril sa loob ng Senado noong Mayo 13.
Noong Biyernes, inanunsyo ng pamahalaan ang P50-milyong pabuya para kay Dela Rosa, habang binigyan naman siya ng Philippine National Police (PNP) ng isang linggo upang sumuko.
Kinuwestiyon ng mga abogado ni Dela Rosa ang legalidad ng pabuya.
- Latest















