^

PSN Palaro

Eala puntirya tiket sa ningbo open quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Eala puntirya tiket sa ningbo open quarterfinals
Alex Eala

MANILA, Philippines — Pupuntirya si Pinay tennis sensation Alex Eala ng quarterfinal berth sa pagsagupa kay Diana Shnaider ng Russia sa second round ng Ningbo Open sa China.

Nagmula ang World No. 19 na si Eala sa 6-3, 6-1 pagwalis kay No. 32 Diane Parry ng France sa Round of 32 ng WTA500 event noong Lunes.

Dumaan naman sa butas ng karayom ang World No. 13 na si Shnaider bago talunin si Yulia Putintseva ng Kazakhstan, 7-5, 7-6 (4) sa kanyang unang laro ma­tapos makakuha ng first-round bye.

Kagaya ng 21-anyos na si Eala, isang left-hander player din ang 22-anyos na si Shnaider na umangat sa pagiging World No. 11 noong Mayo ng 2025.

May lima ring WTA Tour singles titles ang Russian netter.

Diana Shnaider

Sa nakaraang Wuhan Open ay sumampa si Shnaider sa quarterfinals ba­go natalo kay Jelena Os­­tapenko ng Ukraine.

Nakapasok naman si­ya sa semifinals ng isang Grand Slam event na 2026 French Open.

Samantala, hangad naman ni Eala na makaba­ngon mula sa dalawang mag­kasunod na kabiguan.

Sibak si Eala kay No. 180 Tatiana Prozorova ng Russia sa WTA500 Singa­pore Open Round of 16 at kay No. 217 Han Shi ng Chi­na sa WTA1000 Wuhan Open first round.

Sakaling manalo kay Shnaider ay maaaring ma­ka­laban ni Eala sa quarterfinals ang kanyang kaibigang si World No. 12 Iva Jo­vic ng United States na hindi pa niya tinatalo sa tatlong duwelo.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with