Cardinals nakawala sa Generals sa OT
MANILA, Philippines — Tinakasan ng Mapua University ang Emilio Aguinaldo College sa overtime, 89-84, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Bumira si Cyrus Cuenco ng 28 points tampok ang pitong three-point shots para pamunuan ang Cardinals sa pagdagit sa ikatlong sunod na ratsada at itaas ang baraha sa 3-3.
Nagdagdag si Ivan Lazarte ng 24 points at10 rebounds.
Laglag naman ang Generals sa 2-4 marka.
Nakabawi ang EAC mula sa isang four-point deficit para itulak ang laro sa overtime, 72-72.
Bumida naman sina Cuenco at Lazarte sa extra period para sa panalo ng Mapua.
Sa unang laro, bumangon ang Jose Rizal Uni?versity mula sa isang 14-point para resbakan ang Arellano University, 64-62.
Nagposte si Laurence Mangubat ng 14 points, siyam na rebounds, tatlong steals at dalawang assists para tulungan ang Heavy Bombers na ilista ang 4-1 karta at masolo ang liderato.
Nagdagdag si Chris Hubilla ng 14 points at limang boards.
Nabalewala ang hinataw na 23 markers ni T-Mc Ongotan sa panig ng Chiefs na laglag sa ikalawang sunod na kabiguan para sa 4-2 baraha.
- Latest





















