^

Metro

2 lalaki tinodas sa loob ng bahay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 lalaki tinodas sa loob ng bahay
Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktima na ang isa ay ang 41-anyos na may-ari ng bahay habang ang isa pa ay bisita ng una. Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang biktima.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang patay nang pasukin at pagbabarilin ng apat na hindi pa kilalang suspek sa loob ng bahay ng isa sa mga biktima sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktima na ang isa ay ang 41-anyos na may-ari ng bahay habang ang isa pa ay bisita ng una. Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan  ang dalawang biktima.

Batay sa inisyal na  ulat ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), mag-a-alas-2 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob ng bahay, na matatagpuan sa Molave Extension, Tondo.

Nahagip pa ng CCTV ang pagpasok at paglabas ng mga suspek sa eskinita patungo sa bahay na pinangyarihan ng krimen.

Gayunman, bigo ang mga saksi na makilala ang mga suspek na nakasuot ng mga face mask, sumbrero at hood.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at mapanagot sa batas ang mga salarin.

BARIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with