^

Metro

Ateneo law student hulog sa condo, todas!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ateneo law student hulog sa condo, todas!
Taguig City.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 24-anyos first year law student ng Ateneo University matapos umanong mahulog sa  ika-apat na palapag mula 16th floor ng  isang  condominium building sa Bonifacio Global City sa Taguig nitong  Biyernes.

Batay sa inisyal na ulat ng Taguig City Police Station, dakong alas-7:30 ng umaga ng Set­yembre 18, nang maganap ang insidente ng pagkamatay ni alyas “N. A.”, sa kanilang tirahan sa  Fort Victoria Building, sa Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Unang nakarinig ng kalabog ang condominium security personnel, maintenance worker at ilang tenants, at nang alamin ay nakitang wala ng buhay ang biktima.

Sinabi ni Taguig CPS chief, PCol. Julius Añonuevo, na inaalam pa kung nagpatiwakal ang biktima dahil patuloy pang sinusuri ang mga kuha ng CCTV sa lugar at hihintayin pa ang resulta ng awtopsiya sa bangkay.

Nabatid naman sa isang source na nakainom umano ng alak ang biktima bago ang insidente ng pagkahulog nito.

Samantala, nilinaw ni Añonuevo na walang katotohanan na anak ng state witness na si Department of Public Works and Highways Bulacan District Engineer Henry Alcantara ang biktima, bilang reaksyon sa mga naglalabasang ulat.Nakausap na niya ang pamilya ng biktima at itinanggi na may relasyon o kaanak ang engineer na nasasangkot sa kontrobersiyal na flood control projects anomaly.

Nagkataon lang na kaapelyido ng biktima ang sangkot sa flood control at ang tatay ng biktima ay isang retiradong opisyal ng DPWH. Nanawagan din ang mga awtoridad na iwasan ng netizen ang mga haka-haka at pagpo-post sa social media na nag-uugnay sa apelyido ng biktima.

Patuloy pa ang pagsisiyasat ang Investigation and Detective Management Section ng Taguig City Police Station at Southern Police District Forensic Unit, habang hinihintay pa ang resulta ng awtopsiya sa bangkay para matukoy ang sanhi ng pagkamatay.

ATENEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with