F2F classes sa Maynila ngayong araw suspendido

MANILA, Philippines — Sinuspinde ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang face-to-face classes sa lungsod ng Maynila ngayong Lunes, Setyembre 21.
Ang suspensiyon ay ginawa ni Domagoso, base na rin sa rekomendasyon ng Manila Police District (MPD) dahil sa inaasahang kaliwa’t kanang mga kilos-protesta na nakatakdang ikasa ng iba’t ibang grupo sa lungsod kaugnay nang paggunita sa deklarasyon ng Batas Militar sa bansa.
Sa kanyang Facebook page, nilinaw naman ni Domagoso na face-to-face classes lamang ang suspendido at tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga bata, sa pamamagitan ng alternative delivery mode (ADM) of learning. “Walang pasok pero tuloy ang aral!” anunsiyo ng alkalde.
- Latest






















