^

PSN Palaro

Alas Women winalis ng China

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Alas Women winalis ng China
Nanganganib ang Alas Women na masibak agad sa kontensiyon sa 20th Asian Games matapos lumasap ng kabiguan sa China.
POC Media Pool

MANILA, Philippines — Nakipagsabayan ang Alas Pilipinas, ngunit mas lumabas ang pagiging defending champion at nine-time gold medalist ng China sa kanilang duwelo sa women’s indoor volleyball competition ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Pumalo si Angel Canino ng 14 points, habang may 10 markers si Eya Laure sa 18-25, 22-25, 8-25 kabiguan ng mga Pinay spikers sa mga Chinese hitters sa Pool B kahapon sa Okazaki Chuo Sogo Park Gym sa Aichi.

Nagdagdag si Alyssa Solomon ng siyam na puntos at naglista si veteran setter Jia De Guzman ng 13 excellent sets para sa tropa ni Japanese coach Taka Minowa.

“There’s no better way to learn or to know kung anong level kami ngayon except to put everything on the court, whether it’s a win or a loss, basta lahat ilatag namin sa court,” sabi ni De Guzman na miyembro ng Alas Women na huling naglaro sa Asiad noong 2018 sa Jakarta, Indonesia kung saan sila tumapos sa pang-walong puwesto.

Matapos isuko ang first set, 18-25, nakipagsukatan ng lakas ang World No. 56 Alas Pilipinas sa No. 7 China sa second frame kung saan sila nakatabla sa 20-20 mula sa block kill ni middle blocker Thea Gagate.

Ngunit isang 5-2 atake ang pinangunahan ni Xin Tang para tuluyan nang selyuhan ng mga Chinese ang nasabing yugto at ilista ang 2-0 kalamangan sa laro.

Pumalag ang Alas Women sa pagsisimula ng third set hanggang makalayo ang China sa 11-3 patungo sa match point, 24-8.

Kailangang buma­ngon ang Alas Women sa pagkatalo sa China para buhayin ng tsansa sa quarterfinals sa kanilang pagsagupa sa Kazakhs­tan nga­yong alas-12 ng tanghali.

Ang top two teams sa bawat apat na grupo ang papasok sa quarterfinals.

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with