^

Punto Mo

EDITORYAL — Bangis ng leptospirosis

Pang-masa

PAGKATAPOS nang mapaminsalang baha sa Metro­ Manila at kalapit-lungsod, leptospirosis naman ngayon ang naghahatid ng takot at matinding panga­nib sa mamamayan. Maraming hinihila sa hukay.

Hindi pa humuhupa ang baha sa maraming lugar subalit ang tinamaan ng leptospirosis ay napakarami na. Hindi na magkasya sa emergency room ng ospital.

Sa loob lamang ng dalawang linggo, 845 bagong kaso ang naitala sa bansa. Umabot na sa 4,285 ang kabuuang kaso mula Agosto 8 hanggang 22.

Bilang tugon sa pagdami ng mga kaso, nag-activate ang gobyerno ng leptospirosis fast lanes sa 33 DOH hospitals sa Metro Manila at ilang rehiyon sa Luzon.

Ang pamunuan ng Jose Reyes Memorial Medical Center sa Maynila ay nagsabing punuan na ng pas­yenteng may lepto ang ospital. Maraming nagtutungo roon para magpakunsulta. Ang ibang ospital ay marami ring pasyenteng may lepto.

Mahalagang hakbang na mayroong fast lanes ang mga ospital. Sana, tumanggap din ang mga pribadong hospital ng mga pasyenteng may lepto upang mabawasan ang nagsisiksikang pasyente sa mga pampublikong ospital. Pero dapat tandaan na hindi sapat ang fast lane sa mga ospital kung taun-taon ay pareho rin ang problema tuwing bumabaha. Wala nang naiba.

Madaling sabihan ang publiko na huwag lumusong sa baha. Pero para sa maraming Pilipino, hindi ito simpleng pagpili. Kailangang pumasok sa trabaho, umuwi sa pamilya, bumili ng pagkain, o ilikas ang gamit sa bahay. Sa mga lugar na ilang araw bago humupa ang baha, minsan ay wala talagang ibang dadaanan.

Kaya hindi lamang personal na pag-iingat ang sagot sa leptospirosis. Kasama sa problema ang maruming kapaligiran, tambak na basura, maraming daga, baradong drainage at paulit-ulit na pagbaha.

Dapat may agarang konsultasyon at prophylaxis para sa mga nalusong sa baha. Sa katunayan, pinapayuhan ngayon ng DOH ang mga na-expose na magpakonsulta sa loob ng 24 hanggang 48 oras kahit wala pang sintomas. Dapat ding tiyaking may sapat na gamot, kama at dialysis capacity ang mga ospital. Pero ang tunay na prevention ay nagsisimula bago pa makarating ang pasyente sa fast lane.

Noong nakaraang taon, sinabi ng MMDA na ipagbabawal ang pagligo sa baha lalo ang mga bata. Babantayan daw ang mga magtatampisaw. Bakit hindi ito naipatupad ng MMDA?

Paulit-ulit na lamang ang pagdami ng mga kaso ng lepto at tila ningas kogon ang pagpapatupad ng ordinansa. Hindi na dapat maulit ang pagsisiksikan sa mga ospital dahil sa pagkakasakit ng lepto na maari namang maiwasan. Hihintayin pa bang may mamatay na naman sa muling pagdalaw ng baha na may ihi ng daga?

LEPTOSPIROSIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with