^

Metro

Kelot na nagpasabog sa ulo ng bebot, timbog

Doris Franche-Borja, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kelot na nagpasabog sa ulo ng bebot, timbog
Batay sa imbestigasyon, nilapitan ng suspek ang biktima at sa hindi malamang dahilan ay ilang beses na pinaputukan ito sa ulo at katawan. Papatakas na sana ang suspek sakay ng kaniyang motorsiklo ngunit hindi umandar kaya napilitan siyang iwanan ang sasakyan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 29-anyos na lalaki na sinasabing bumaril sa ulo ng 36-anyos na babae sa isang eskinta sa Barangay Baesa, Quezon City ang nadakip ng Que­zon City Police District (QCPD?) Sa report na isinumite ni QCPD Talipapa Police Station (PS2) chief PLt.Col. Von Alejandrino, ang suspek na nakilalang si alyas “Jofher,” 29, residente ng Brgy. Unang Sigaw, na sangkot sa pamamaril sa biktimang si alyas alyas “Arriane,” 26, housewife, noong Martes (Hulyo 7), sa kanto ng Sitio Mendez at G.K. Pajo, Brgy. Baesa, Quezon City, alas-5:55 ng hapon.

Batay sa imbestigasyon, nilapitan ng suspek ang biktima at sa hindi malamang dahilan ay ilang beses na pinaputukan ito sa ulo at katawan. Papatakas na sana ang suspek sakay ng kaniyang motorsiklo ngunit hindi umandar kaya napilitan siyang iwanan ang sasakyan.

Dahil dito, hinarang ng suspek ang papara­ting na rider, inatasang bumaba sa motor habang tinututukan ng baril at agad sumakay saka tumakas. Sa pagmamadali, nahulog pa ang .45 caliber pistol na ginamit sa krimen ng suspek, na narekober sa pinangyarihan ng krimen, maging ang inabandonang motor nito.

Agad namang ­umamin ang suspek at sinabing kaya lamang niya nagawa ang krimen ay dahil may banta umano sa kaniyang pamilya.

Kakasuhan ang suspek ng murder at paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy kung may iba pang indibidwal na sangkot sa nangyaring krimen.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with