^

PM Sports

Lightning Bolt kumislap sa PJC Condition race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinangaan ng mga karerista ang ipinakitang husay ni Lightning Bolt matapos nitong sikwatin ang panalo sa PJC Condition Race Class 5 (Non Placers) Division III na nilarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas kahapon.

Hindi kagandahan ang salida ng Lightning Bolt kaya napag-iwanan ito sa largahan at nakasama niya ang Aly Yanna habang nag?aratratan sa unahan ang Unafraid at Ring A Bell.

Pero naging mainit ang labanan sa unahan habang papalapit sa kalagitnaan ng karera, halos magkakasabay sa unahan ang limang kalahok na Unafraid, Ring A Bell, Aly Yanna, Lightning Bolt at Avenue Shopper.

Pagsapit ng huling kurbada ay umaagaw ng unahan ang Lightning Bolt pero hindi basta binibitawan ng Unafraid ang bandera sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Subalit sa rektahan ay ang Lightning Bolt at Avenue Shopper ang nagpupukpukan sa unahan at nakihalo rin ang Ring A Bell.

Nanatili ang tikas ng Lightning Bolt, tinawid nito ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang Ring A Bell, tersero ang Avenue Shopper habang pumang-apat ang Aly Yanna.

Ginabayan ni jockey Pabs Cabalejo, nirehistro ng Lightning Bolt ang tiyempong 1:29.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Ruskin G. Principe ang P210,000 premyo.

Nakopo ng second player na Ring A Bell ang P78,750 habang P43,750 at P17,500 ang naiuwi ng Avenue Shopper at Aly Yanna, ayon sa pagkakasunod.

JOCKEY CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with