^

PSN Palaro

Swiatek talsik kay Eala

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Swiatek talsik kay Eala
Alex Eala

MANILA, Philippines — Hindi maawat si Alex Eala nang hubaran nito ng korona si defending champion Iga Swiatek sa bisa ng impresibong 7-6 (9), 6-2 panalo upang umusad sa fourth round ng Wimbledon kagabi sa All England Lawn Tennis and Croquet Club Center Court sa London, England.

Kinailangan lamang ni Eala ng isang oras at 25 minuto para pataubin si Swiatek at maasiguro ang pag-entra sa Last 16.

Hawak ni Eala ang 4-0 kalamangan sa second set ngunit hindi agad bumitiw si Swiatek nang kunin nito ang dalawang games para makalapit sa 2-4.

Subalit iyon na lamang ang nakayanan ni Swiatek nang ilatag ni Eala ang solidong laro nito sa mga sumunod na sandali para makuha ang panalo. Ito ang unang appearance ni Eala sa fourth round ng isang Grand Slam event — ang unang Pinay netter na nakagawa ng ganitong tagumpay.

Makakasagupa ni Eala sa fourth round si Jasmine Paolini ng Italy. Dahil sa pagpasok sa fourth round, makasisiguro na si Eala ng tumataginting na 300,000 pounds o mahigit P24 milyon.

Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking premyo ni Eala sapul nang magsimula ito sa kanyang pro career. Inaasahang muling ilalabas ni Eala angbuong pu­wersa nito upang patumbahin si Paolini na dating runner-up sa Wimbledon noong 2024.

Matatandaang tinalo na ni Eala si Paolini sa kanilang unang paghaharap sa Dubai Championships sa UAE.Naitarak ni Eala ang 6-1, 7-6 (5) panalo sa kanilang pagtutuos sa Round of 32.

Nakatakda ang laro nina Eala at Paolini sa Lunes.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with