^

Bansa

Walang trayduran sa pag-aresto kay Duterte– Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Walang trayduran sa pag-aresto kay Duterte� Palasyo
Former president Rodrigo Duterte, accompanied by former executive secretary Salvador Medialdea, waits in a chartered jet for the flight to The Hague March 12, 2025.
STAR / File

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Palasyo ng Malakanyang ang mga akusasyon na nagkaroon ng pagtataksil o betrayal matapos na tulungan ang Interpol sa pagpapatupad ng arrest warrant  laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte mula sa International Criminal Court (ICC).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na walang ginawang betrayal ang Pangulo at kahit kanino pa man dahil tinupad lamang niya ang sarili nating batas.

“So mas mahirap po siguro magkaroon ng betrayal ang administrasyon sa sarili nating batas. So wala pong betrayal kung kanino man po kung ito man po nagpapatupad ng pag-cooperate sa Interpol,” pahayag pa ni Castro.

Ang nangyari lamang aniya ay mayroong nakabinbing kaso sa ICC at sumusunod lamang tayo sa pagpapatupad ng RA 9851 partikular na ang section 17 kung saan nakasaad na ang otoridad ay maaaring magsuko o mag-extradite ng isang suspek o akusado ng Pilipinas sa tamang international court.

Ang reaksyon ni Castro ay kaugnay sa paha­yag ni Senador Ronald Dela Rosa na kapwa akusado ni Duterte sa ICC na ang pag-aresto sa dating pangulo ay betrayal o pagtataksil ni Marcos.

Ito ay dahil tiniyak sa kanya na hindi siya makikipag-cooperate sa ICC dahil matapos aniya nila ay ang pamilya naman niya ang sumunod.

Para kay Castro, pananaw lamang ito ni Dela Rosa dahil nangangamba rin ang Senador na baka maging siya ay mayroong warrant of arrest.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with