^

Metro

Pag-abandona, pananabotahe sa garbage collection itinanggi ng Leonel

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Leonel Waste Ma­nagement Corporation ang paratang ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na inabandona at sinabotahe nila ang paghakot ng basura sa lungsod na nagresulta sa mga gabundok na basura matapos ang holiday season.

Sa inilabas na  pahayag ng Leonel, nakasaad na Setyembre pa lamang nang abisuhan nila ang alkalde na hindi na sila lalahok sa bidding para sa 2025 upang mabigyan ng sapat na oras ang lokal na pamahalaan sa pag­hahanap ng bagong contractor.

Gayunman, tinuloy at tinapos ng Leonel ang kanilang serbisyo hanggang Disyembre 31 alinsunod sa kontrata kahit nasa mahigit P561 milyon ang utang ng LGU.

Ayon sa pahayag ng Leonel, nakakalungkot na sila ang sinisisi ni Lacuna-Pangan sa tambak na basura sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Anang Leonel nagbigay sila ng abiso ay panahon sa Manila LGU upang maiwasan ang problema.

Nagawa nila ang kanilang obligasyon at mapapatunayan  ito sa pamamagitan ng Barangay  Certifications ng mga kinatawang LGU.

Simula pa 1993 nagbibigay ng serbisyo sa garbage collection ang Leonel.

GARBAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with