P2 milyong reward sa ikadarakip ng Chinese na pumatay ng kalahi
MANILA, Philippines — Nag-alok ng P2-milyong pabuya ang Southern Police District (SPD) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang isang Chinese national na suspek sa pamamaril at pagkamatay ng kaniyang kababayan sa Makati City, noong Oktubre 17, 2024.
Kasalukuyang pinaghahanap ang suspek na si Wang Danyu alyas “Wang Dan Yu” at “Bao Lung” na bumaril at nakapatay sa biktimang si Liu Jiabin, 29.
Ayon sa Makati City Police at sa naging viral na kuha ng CCTV, si Wang Dan Yu, kasama ang isa pang lalaking Chinese ang responsable sa pagkamatay ng biktima na tumakas matapos ang insidente.
Babala naman ng otoridad sa publiko na mag-ingat sa suspek na nabanggit dahil armado ito at mapanganib.
Kung sakali mang may alam kayo sa kinaroroonan ng suspek ay maaaring magtungo sa pinakamalapit na pulisya o tawagan ang Makati City Police station sa 09297936525.
- Latest