Nationwide bakuna sa iskul, ilulunsad ng DOH sa Oktubre
MANILA, Philippines — Isang nationwide school-based immunization program ang nakatakdang ilunsad ng Department of Health (DOH), katuwang ang Department of Education (DepEd) sa mga paaralan sa Oktubre.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang naturang Bakuna-Eskwela program ay sisimulan nila sa Oktubre 7 upang mabigyan ang mga mag-aaral na nasa una, ikaapat at ikapitong baitang ng bakuna laban sa HPV, measles, Rubella, tetanus, at diphtheria.
Sa ilalim ng programa, maaaring magpabakuna ang mga bata tuwing araw ng Biyernes sa buong buwan ng Oktubre, sa lahat ng mga pampublikong paaralan, ngunit welcome rin naman at maaaring magpabakuna ang mga mag-aaral mula sa mga private schools.
Kaagad namang nilinaw ng kalihim na ang naturang pagpapabakuna ay hindi mandatory at kinakailangang may pahintulot ng magulang ng mga mag-aaral.
- Latest