‘Saints & Seniors’
Break muna tayo sa pagbabalik-alaala
Sa ibang mga lupain na napuntahan na,
Habang hindi makapaglakbay yan ang ligaya —
Lingunin mga pagkakataong pagpapala!
Sapagkat sa araw na ito’y pagseselebra
Ng All Saints’ Day at ngayon ang kanilang piyesta!
All Hallows’ Day o Hallowmas din tawag ng iba,
Solemnity of All Saints din para kumpleto na!
For all the Saints lang kahit na yung hindi kilala,
At bukas pa yung Araw ng mga Kaluluwa
Ngek! Teka, eh nasaan yung All Dead People Day na?
Bakit sa sementeryo maraming nagpupunta?!
Sa Mexico kasi ay binabanggit talaga —
Dia de Muertos o Day of the Dead tawag nila!
Sa atin nga “Todas los Santos” yung inabot na
Pero “Araw ng Patay” tawag … walang class ‘di ba?!
Patay kasi tunog pate, parang palaman ba!
Ngek! Bakit, liver spread ba inyong binibisita?
Bakit hindi na lang yung sa Mexico ginaya?
Tutal ang sumakop naman sa atin iisa!
TODOS LOS TODAS ipinangalan na lang sana!
Kung gustong pang-millennial eh di BURY YO FIESTA!
Pero nandyan na yan kaya pagtiisan nyo na
At Ang Poet Nyo lang naman ay nagpapatawa!
Kaya All Saints tayo at viaje pa rin napunta,
‘Di maiwasan pagkat mga Santo at Santa,
Ibang lupain makikita’t dinadambana!
Lakbay-isip muli kung saan-saan nagsimba!
Una na dyan sa Basilika ni Santa Clara,
Tulad Saint Francis dun sa Assisi sa Italia,
Siya ang Patron ng Telebisyon alam nyo ba?
Ops teka, teka, hindi ako nagpapatawa!
May “flatscreen” na nun at remote viewing pa talaga!
Sapagkat nung panahong Sya ay hinang-hina na,
Pino-project ng Holy Spirit sa wall Nya Misa!
Kaya yung online Masses natin ngayon noon pa!
O ‘di ba flatscreen dahil nasa pader ng room Nya!
“Televised” Masses Sya unang naka-eksperyensya!
Banal na Misa habang nakaratay sa kama!
Tapat Sya sa Panginoon kaya mahal din Sya!
Basilique Sainte Marie Madeleine nakapagsimba,
May mga relic dito si Maria Magdalena,
Ang hinaplos ng Kamay ni Hesus na bungo Nya!
Matatagpuan ito sa Katimugang Francia!
Ilang napuntahan ding may mga reliquia —
Saint Bernadette Soubirous sa Nevers makikita,
Saint Therese of the Child Jesus sa Lisieux naman Sya,
Saint Andrew, Amalfi and Saint Valentine, Dublin pa!
And the Sanctuary of Saint Pio of Pietrelcina,
Basilica of Saint Paul Outside the Walls pa’y isa,
Naturalmente ang Saint Peter’s Basilica pa!
Syempre Cathedral of Santiago de Compostela!
Kapag babae ang katawagan lang ay “Santa”
Ngunit sa lalaki madalas “San” tawag nila
Subalit may “Santo” at si Tomas nga ay isa
Pero Santiago titulo’t pangalan ginisa!
Ngek! Totoo’t tama inyong nabasa … GINISA!
Ibig sabihin ng “ginisa” … GINAWANG ISA!
He was Sainted then Sauteed ibig sabihin ba?
Ngek! Saint James just kidding buy why nga ba talaga?
Saint James-Santiago, medyo malayo hindi ba?
Alam ko San Iago o Sant Iago ka,
Patron ng mga Peregrinos at Espanya!
Kung sino man nag-change sa “James” paki-eksplika!
Kunsabagay, Iago kasi’y kontrabida!
Sa “Othello” ni Shakespeare at ang masakit pa,
Sa “Aladdin” lorong alalay ni Jafar sya!
Kaya Saint James na lang at wala nang kokontra!
Kung bakit SAINTS and SENIORS ang title nga pala,
Wala lang, nung maisip ko ako’y natawa!
‘Tsaka Seniors parang SINNERS ding nagkasala!
Hindi makalabas! Nakakulong lang sila!
- Latest
- Trending