Bitin pa ba kayo sa mga Quaran-Tunes ko?
Kung ganon, clear na your throats at eto na Part Two!
Ihanda na Quaran-Oke ng Ang Poet N’yo
At Tough Hits During Tough Times muli’y naririto!
Of course, I will write the songs and I will wrong also!
Ngayon alam nyo na na ito ang produkto
Nang mahigit isang b’wan sa loob ng kwarto —
Mga lyrics ng songs ay nagkaloko-loko!
(To the tune of Tinikling)
Ano na giliw gagawin pag quarantine
‘Wag palabasin ang lolo’t lola natin
Dahil paborito nitong Covid-Nineteen
Mga senior na’t mga masasakitin!
Pero wala yan dun sa Lolo Mundo ko
Lumabas sa kalye, hubad pa ang polo
Pagkatapos n’yan sya pa ay nanabako
Si Lolo Mundo ko wala na sa mundo!
(To the tune of To All The Girls I’ve Loved Before)
Of all the germs we’ve had before
Ito’y ni-raid pati bapor
Lockdown ay nagkaron
Quarantine at stay home
No mercy rich ka man o poor!
And all sobra sa kaka-rest
At cup noodles naging the best
Pati nga ulam n’yo
The same at pareho
That’s what you had the day before!
The clothes no change and always wearing
Same everytime and everyday
Wala namang makaka-knowing
kahit may panis na la-wey!
(To the tune of Doon Po Sa Amin)
Doon po sa may amin
Quarantine din syempre
Dun sa merong kalye
May pogi at seksi
Tukaan nang tukaan
Naglagayan pa ng hickey
Sila pa rin magkatabi
Sa dalawang lote!
(To the tune of Awitin Mo, Isasayaw Ko)
Ngayon alam na gagawin
Kapag muling na-quarantine
Isang anak pag-aralin
Ng manicure at haircutting
Sa anit natin
Pantina ‘wag kalilimutan
Mga neighbors naman
Pupwede na home service-an
Pagkakwartahan!
(To the tune of Magtanim Ay ‘Di Biro)
Quarantine ay ‘di biro
Bahay lang nakatago
Maghapong nakaupo
Nakahiga, nakatayo!
Laman lagi ng bibig
Cup noodles ‘tsaka tubig
Cup noodles na nahilig
Sunog na aking gilagid!
Sa umaga paggising
Pagtulog iisipin
Kung ano ang kakanin
Syempre cup noodles pa rin
(To the tune of Anak)
Nang isilang ka sa mundong ito
Labing-anim buwan ng Marso
Kaya’t nagpa-panic na ang mga utaw
At ang nanay at tatay mo’y
‘Di malaman sa baptism
Kung ano ipapangalan sa iyo!
At naisip Karen Tina ng iyong nanay
From quarantine nga raw ito
Si tatay nama’y Soccoro Ana
O Lovi Rose gustong ipangalan sa iyo!
Ngayon nga’y nabinyagan ka na
At nickname mo naman ang problema
Ngayon sayo’y tawag
Tatay mo’y corona!
Paglaki mo ay pwedeng magbago
Gawing Lovi Rose ang pangalan mo
Vi Rose naman ngayon ang nickname mo!
(To the tune of Lulay)
Anong laking hirap kong pagka iisipin
Ang gawang umibig kapag merong quarantine
Lalo na’t babae’y malantong at malambing
At bumibigay agad ikaw’y bitin!
‘Di kaya pag wala na virus baka naman
Pag kami’y nagkita malaki na t’yan nya
Bumuntis sa kanya si kagawad pala!