^

Entertainment

‘Kyu Ulit? Kulit!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Hindi kaya salitang KULIT ay nanggaling

Sa KYU ULIT o “Question Again” mga darling?

Pwede … eh bakit hindi natin uli gawin?

Mag-KYULITAN tayo! KYU EN EY pa more again!

 

The THRILLA is gone. No more ALI. Wala na s’ya.

Ang KYU: Sa daigdig ng boxing, sino pa ba

Ang ubrang Muhammad Ali na natitira?

Ang EY: Eh di ‘yung anak ni ALI Dionisia!

 

Kung CELINE ba bag, LOUIS VUITTON ang maleta,

VALENTINO ang shoes at CHANEL ang bandana,

SAINT LAURENT ang belt at ARMANI ang bestida,

Ano sa palagay ninyo, BADUY ba s’ya?

 

O ang “baduy” sa inyo at katawa-tawa

Eh ‘yung terno magmula ulo hanggang paa?!

Kung si Michael V ba’y mag-anak pa ng isa

At tawaging LOUIS VITOY, tatawa ka ba?

 

Pwede ba nating tawagin na matalino

Ang marami-rami rin nating Pilipino

Sapagkat nagagawa nilang isang banyo

Na dapat four walls but with just one… DYINGEL na ‘to!

 

Makakaihi’t makakaraos na loko!

Mga henyo ba sila o mga PANGHENYO?!

At mga TOILETRIES ba talaga ay ano?

Ito mga punong madalas ihian mo!

 

Sa palagay n’yo bakit ang kalalakihan

Pag hindi natiis tawag ng kalikasan,

NAGPAPATULO sa pader at halamanan?

In other words, WALL-GREENS pinagdidiskitahan!

 

Wow, tunog drugstore, et caetera pa ng Kano!

At kung bakit PADER at PUNO may konek po?

PADER is the head of the family, ‘di ba ho?

Therefore, HEAD s’ya, de s’ya PINUNO! In short, PUNO!

 

KYU: Ano ang mas nakakaloko, BINIBILOG ANG ULO o KINAKWADRADO ULO? (That’s Eileen and La-Tete-au-Carre, the library in Nice, France. There are three floors inside the cube.)

If a girl ba makes gastos for beautification…

At sa “hinaharap” nagkaron ng addition!

At matindi pa, ginawa sa ibang nation!

Pwede bang tawagin ‘yang BUY BUST OPERATION?!

 

Kung si MAM ba kay SER laging nagdo-Double Check,

Malamang din bang si Mister ay may DOUBLE CHICK?

At kung may ginagarahe man itong KABIT,

‘Yang salita bang ‘yan ay nanggaling sa COVET?

 

O, akala n’yo puro lang ako patawa,

Ano ngayon, ‘yung iba d’yan t’yak napanganga!

Ibig sabihin talaga… may PAGNANASA!

O ‘di ba DIRTY OLD MEN love “starlets” like NASA?

 

At ano palagay n’yo sa word na COHABIT?

Basta alam ko kong bakit “kabit” maakit,

Kasi baliktad ng KABIT akin lang maulit,

Ay TIBAK o T-BACK na kabit laging gamit!

 

At bakit ba salitang lang ‘yay pinipinta

Sa mga babae? Nasaan ang hustisya?

Bakit, wala bang KABS lalo ibang matrona?

Ang KABS nila’y KA-BALLROOM na may mga ABS pa!

 

Mas ubra yatang sabihin na Dirty Old MAIN

Ang D.O.M. kasi men nama’t alam natin,

Mas oks MAIN kasi most of them may mine-MAINTAIN!

At sila ‘yung nagte-take ng MAINTENANCE na rin!

 

Kung minsan sa pulitika it is very sad,

Like the Party of ROB iba kay RODthere’s the rub!

KYU: Ano’ng pwedeng gawin ng Vice kung walang job?

Well, she can try theater and star in LENISERABLES!

 

But wait, dahil Independence Day naman ngayon,

Bagay na bagay lang ito na pang-last question

‘Di ba dapat si Gloria hindi nakakulong?

Ang EY ko d’yan: Hindi ba FREEDOM OF EX PRES ‘YON?!

vuukle comment

QC VICE MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with