‘EAT cetera’
Nagtimbang ako three weeks ago at o Dios ko!
Sa unang pagkakataon… DOS SYENTOS SINGKO!
Ngek! ‘Di akalaing aabot sa ganito,
But it’s so sarap kasi to EAT! What can I do?
Kaya pala bumibigat pakiramdam ko
At madali na ngang antukin Ang Poet N’yo,
And my pants it’s so mahirap nang isarado,
But it’s so masarap ding to EAT! What can I do?
And I am so tamad pa to exercise you know,
Kaya malamang mag-increase pa ang timbang ko!
Paglalakbay ang isa ko pang paborito,
Paglalakbay? Paglaklak ba’y kakambal nito?
Of course main course! EAT’s a part of the trip to be good,
The others are shopping, pasyal hanggang mapagod,
Pag nauhaw at napagod s’yempre… Where’s the food?
Para rin tayong cellphone… one self fun is to load!
Hindi ba nga’t to travel is to recharge din dude?
O, eh di cellphone nga tayo utang na loob!
Tsina-charge, nilo-load at pag busog na busog,
Hahaba ang buhay! Sa kwentuhan in the mood!
May sinulat ako nun na wala sa ‘king column,
“All you need is love,” inawit din ni John Lennon,
Subalit si Charles M. Schulz dinagdagan pa ‘yon,
“But a little chocolate now and then doesn’t hurt!” Yum yum!
Kaya ang pagtaba ay nasa sa ‘yo na ‘yun,
Kaya nga “everything should be in moderation,”
But totoo ring “we cannot live with love alone,”
Pagkat kailangan din natin ang… LUMAMON!
Ngunit pag-ibig din naman ang isang ito,
Sentimyento pa nga ng isang George Bernard Shaw,
“There is no love sincerer than the love of food.” TRUE.
Pag-usapan natin ang mas maganda rito.
Dahil bukod nga sa pagkain ng masarap,
Masarap ding pag-usapan mga nalasap,
At kung maglaway man o mainggit ang lahat,
Bahala kayong sa mababanggit maghanap!
Ibibida ko la’y nakainang masarap
Na malapit lang kung saan ako nabundat!
Hindi na ‘yung nalaklak sa ibayong dagat,
Kahit nagbayad matindi pa pasalamat!
Una na ‘yung nasa Macapagal Avenue
At Pastor’s Bistro Pub ipinangalan dito,
Spanish Food lahat ang nasa kanilang menu,
Hijo de pu… ro masarap ang nakain ko!
Hayyy naku, para kayong nasa Espanya,
Pwede pang MAY TUTONG ang inyong Paella!
Dalawang klase bigas at meron pang BOMBA!
At may Croquettas de Bacalao na PINAKA!
Bacalao nga sa Spain sa aki’y medya-medya,
At lagi bang maalat ang aking panlasa,
Pero ‘yung sa Pastor’s noong natikman ko na,
Hijo de pu… mangalawang plato pa pala!
Sa appetizer pa lang ay patay ser ka na!
Sa tindi ng Boquerones, Callos, Jamon pa,
Maghahalo ang dasal at ang pagmumura!
Like, “Dios ko kung kukunin kami ay ‘wag muna!”
Ngek! Ay, caramba! Muy delicioso talaga!
Anak ng tapas! Viva la Independencia!
At may bandera pa sila ng Catalonia,
Hanap-hanap ko lang paborito kong GILDA!
Rabo del Toro, Chiparones Ajo, Pizza,
Marami pang iba’t malapit lang sa MOA,
Hanggang sa huli para kang nasa Espanya
Pagkat Churros con Chocolate meron sila!
At meron pa akong napupusuang iba —
Tulad ng Donosti, Pintxos-Tapas din sila,
At Comida ng Kastila rin handog nila,
Bonifacio Global City kaya sugod na!
Blackbird sa Makati, Wholesome Table sa The Fort,
Pero may isang mataas sa aking report —
Ang pamatay n’ya ay Baked Bun with Barbecue Pork!
Ito’y ang Tim Ho Wan! Ang dami kong nalunok!
Kailangan natin sa buhay humalakhak,
Halakhak… at paglaklak din kahit pa papak,
Makakaya nating hindi tumawa lahat
Nang maluwat… ngunit ‘di sa panlasang sarap.
- Latest
- Trending