‘More of Bless’

Tatlo At Kalahating Dekada na pala

Ang Eat, Bulaga! TRULY BLESSED na talaga!

Ops, teka at sinulat ko’y i-check na muna,

Baka matira ng BASHERS sa social media!

 

Tapos na isyung ‘tot wala naman talaga,

‘Yung tungkol sa “foods” na “Truly Blest Ensaimada,”

Isang tunay na pinagpala na meryenda,

Nagmula sa Espanya, Isla ng Mallorca.

 

Ngunit one day may ilang pakialamera,

Hindi pinansin ang recipe nito’t lasa

Kundi kalakip na sulat ng nagpadala

And they TRULILI BLASTED ang mga napuna!

 

Eh ano ngayon kung may sumobra mang letra?

Eh naintindihan naman nung nakakuha!

Ano ngayon kung nagkulang naman ‘yung isa?

Kasalanan nung nagpauso ng “God Bless” s’ya!

 

Eh kayo, HIR NA MI, WER NA YUO, tama ba?

Para kayong mga henyo kung makaasta!

‘Yung mga Kano nga minsan mas malala pa,

YOUR ENGLISH IS GOODBUT DO YOU HAVE CASH BA BRUHA?!

 

Kanya-kanyang Ingles, kanya-kanyang spelling ‘yan,

Ang importante basta naiintindihan,

Mahalaga ay ang mensaheng nilalaman,

Pwera na lang kung Spelling Bee ang sinalihan!

 

Kaya kayong mga BASERS sa SOTIAL MIDEA,

Puro wrong spelling ‘yan pero kuha n’yo ‘di ba?

Ganon lang ‘yat baka ‘yan pa nga maging moda,

Hangga’t may nag-e-extra “H” sa name oks lang s’ya!

 

Sige kayo, baka mam’ya tumakbo nga s’ya

Ng Bless-President, este Vice-President pala!

Kaya “bashers” BE LESS sa pamumuna sana,

At s’yanga pala, BASHERS is not short for BASURA!

 

Meron nga raw sa grammar ng iba ay NAZI!

Ikokorek ka kahit harap ng marami!

Kung mapahiya ka man ay wala s’yang paki!

Basta pagtumpak sa Ingles mo la’y masabi!

 

LOVE o LUV o LABpareho rin pagtanggap,

Basta tunay parang enseymadang masarap!

And if in the future “TENSES” mo ma’y masilat,

Be like Ate Vi… tinanggap! Perfect! It’s a wrap!

 

Iba talaga ang nagsasabi nang tapat,

It means ‘yun ka pa rin loob man ng ‘yong balat!

Marami ang humanga’t may ilang nagulat,

Ang Poet N’yo nga’y napatayo at… clap, clap, clap!

 

At ‘yan ang mga pang-National Artist dapat!

Ngek! Sandali lang, erase! Lumagpas na lekat!

‘Sensya na’t tao lang at nadala nang too much,

‘Wag naman ngayon at sobra na ang kanyang LUCK!

 

Nasabi ko na rito aking sentimyento

Patungkol d’yan sa National Artist na isyu

Na upang matigil na ang debate rito

Ay HUWAG nang magsulong ng Pambansang TAO!

 

Naipaliwanag din ang ibang dahilan,

Kaya ‘yang Pambansang Artista PACK-UP na ‘yan!

Bagkus tibayan mga sagisag ng bayan

At tungkol kalikasan na lang pagtuunan.

 

‘Wag na lang gamitin “National” at “Pambansa,”

Sa Bandila’t Awit na lang ipaubaya,

Sa Wika’t sa mga ilang simbolo kaya,

Kung may parangal gamiti’y ibang salita.

 

Kung pagpupugay sa tao ang ibibigay,

‘Wag na “National” o “Pambansa” ang idamay!

Ibang tawag na lang ang inyong iialay

Ba’t ‘di tawaging S.T. — “Siningerong Tunay!”

 

“Dangal Ng Sining Pinoy” kaya? O“SININGA” ?!

O, Pinoy Na Maarte”? Hala, mamili ka!

Hayyyy naku Bayan, maghunos-dili pwede ba,

Lubayan na ‘yan! Mas marami pang problema!

 

“Walang Himala!”“Walang Tulugan!”wala lang,

Naisip lang na wala na tayong tutunguhan,

Babu na at may grupo pa ‘kong pupuntahan

Sinusulong — “National Hero si Superman!”

Show comments