Tapos nang ipalo ang sinturon ni Hudas,
Naghunos na ang sawa at lahat ng ahas,
Na-piccolo-an na pla-pla ubos na oras,
Bawang ginisa pati daliring nalagas!
At dahil d’yan isang tanong ang aking handog —
Pag New Year’s Eve ano madalas tsinitsibog
Ng mga naputula’t daliri’y sumabog?
Well, wala ‘yung usual kundi mga FINGER FOOD!
Ngek! But ito naman daw mga naputulan
Ay bumabait at ‘di na makikitaan
Ng mga panduduro na may kalaswaan,
Mga DIRTY FINGERS kasi’y mababawasan!
Ngek again! But that’s not the only problem to boot,
Pag may kumati pa’no ka pa magkakamot?
At s’yempre pa ang sa lahat nakakatakot —
Pa’no na ngayon ang pagdukot ng kulangot?!
Eh kung pandurukot pa ang iyong trabaho?
At eto pa ang pinakamasakit nito —
Kung nais mo nang magbaril at aburido,
Paano mo kakalabitin ang gatilyo?!
Akalain mo pati sa orig na selfie
O self-service na suicide pati pagbibigti!
Lason, talon, pasagasa na lang ang pwede,
In short, hirap ka pang ma-SELFIE-NISH sarili!
Eto next question, sagutin mo muna ire —
Ano ang ginagawa ng gustong mag-selfie
Pero wala namang cellphone ang dyaskeng pobre?
Eh di ang magsalamin lang at mag-SELFIE-TY!
At ‘yan din malamang na sa ‘yoy mangyari —
Magmumukmok at maaawa sa sarili,
Mahirap maputulan ng SELFIE-NGERS pare,
Pisngi ni es-mi dehins mo na mase-SEL-PI!
Kaya solusyon, ‘wag nang matigas ang tuktok,
Ipagbawal na sa tao mga paputok!
Ang gobyerno na lang ang bahala sa fireworks!
We will just watch and look while blowing our torotot!
Sa buong mundo yata’t kahit saang sulok,
Mga Pinoy na lang sa pulbura’y malikot,
Tayo na lang yata may layang magpaputok,
Matanda at pati mga batang parang surot!
Kahit sino nagsisindi, sa huli…sisi!
Anak ng putok! Bakit pa kinukunsinti?
Sa ‘tin lang ‘yung pagkatapos ng alas dose,
Ang lahat ng butas ng ilong ang dudumi!
Ang dumi rin ng kalye at eto malungkot —
Dahil sa napupulot, kamay nato-TOL-PUTS!
Buti sana kung tindang paputok ay supot!
In other words, walang problema if you SELL PFTTT!
Kasi nga ang putukan kahit saan pwede,
Kuha mo nga ang lahat — hika, kanser, TB!
Sa ibang bansa nga fireworks display ay arte,
Sa London sa ferris wheel, sa Paris sa tore.
Sa Sydney, Australia ipinorma sa tulay,
Sa Tallest Building in the World naman sa Dubai!
Sa Hong Kong sa Victoria Harbour inilagay,
Sa Big Apple nga Big Ball lang inilalaylay.
Palagay ko ‘yon ang ating pinoproblema,
Kasi no Eiffel or London Eye sa eksena,
Hindi naman sa Rizal Monument maganda,
Pinutukan nga s’ya two days before New Year pa!