Alam n’yo bang monogamous ang mga parrot?
Buong lifetime n’ya isa lang ang sinasagot
At malamang ‘yun na rin kanyang “nililikot,â€
In other words, parrot ay hindi haliparot!
Ngek! Ngunit karamihan sa ibon talaga
Ay tapat sa mga partner nilang iisa,
Subalit may ilan din ayon sa ciencia
Ang kumakaliwa ng pugad sa kanila!
Pero saan nga ba galing ang “haliparot�
‘Di kaya ito ang sabi ng inang nayamot
Sa anak na medyo maharot at malikot,
“Para ka bang paro-paro HALIP NA PARROT!�
Ang simpleng ibig sabihin nun ay bakit ba
Ang likot mo, makulay at ang porma-porma
At hindi na lang sa isang loro gumaya
At mamalagi na lang sa loob ng hawla.
Sigurado akong ang “harot†galing HARLOT
At pwedeng dito nag-ugat ang “haliparot,â€
Malandi naman ay malantik o makulot,
‘Yun bang maarte lang at maraming pautot!
Salitang “alembong†na noon ay nauso,
Sa ALENG PANABONG pinanggalingan nito
Na gigiri-giri, panay galaw ng ulo,
Tila isang tandang na laging naka-tiptoe.
At sabi ng tandang, “quiri, quiri, quiri!â€
Kastila ng tilaok habang gumigiri,
At malaki hinala ko na d’yan nagbinhi
Ang maikli subalit matalim na… KIRI!
“Paro-paro†nama’y PAROON AT PARITO,
Mapaglaro’t palipat-lipat at magulo,
S’yay pupunta roon at pupunta rin dito,
Dapo, Simsim, Lipad at waring nalilito.
Dapo, Simsim, Lipad? Aba’t DSL pala!
Sa Digital Subscriber Line s’ya ang nauna!
Salitang “bubuyog†saan naman galing s’ya?
BUBULONG… KUKUYOG… Tingin ko pinagsama.
Kaya “the birds and the bees…†ang naging simbolo
Ng pagliligawan at romansa ng tao,
Samahan pa ng “…the flowers and the trees…†ito,
Dagdagan pa ng b’wan at pag-ibig na tayo.
Pero teka, nagtatanong kayo siguro
Bakit may mga pakpak tinatalakay ko?
Bakit hindi eh tulad ko rin mga ito
Na lilipad-lipad at paroo’t parito!
Sa katunaya’y lilipad na naman ako
At kasama Dabarkads at ibang EAT–sekto
At sa Sunday, June 30, may Eat Bulaga Show
Sa Hibiya Kokaido, Tokyo… arigato!
Lipad, Joey, lipad! At lipad na rin kayo!
Hindi na kailangan pang mag-eroplano
Upang makarating sa lugar na nais n’yo,
Bagwisan ang pag-iisip naro’n na kayo!
‘Di ba n’yo napansin karaniwan ang tao
Kapag pinahiling na kung ano pa’ng gusto
Na magkaron s’ya… ‘di naman mata sa noo
Kundi mga pakpak ang isasagot nito.
At ang sagot din kung magiging hayop ito,
Hindi ba nga’t ibon kadalasang panalo
At dun na lilinaw ang kalayaang gusto
Na sumahimpapawid at makita mundo.
Kaya lipad nang lipad hanggang nabubuhay
Nang ating pamumuhay ay magkaron ng kulay,
Maglaro’t lumipad katulad ng butterfly,
Kapag inispel sa Tagalog ang FLY ay PLAY!
But if you’d ask me kung ano paborito ko
Na may PAKPAK, hmmm… ah winged creatures kung ano,
Well, it’s no secret at baka ‘yun nga din kayo —
De ‘yung mga Victoria Secret na modelo!