'Andercooper no longer undercover'
Dati na akong bilib kay Anderson Cooper,
Ang CNN journalist na may hair na silver,
Gusto pa ngang pagaya ‘yon sa’king hairdresser
But painful daw so pwede na ang salt and pepper.
Pero lalo akong bumilib sa reporter
Nang malaman ko sa Internet and newspaper
Ang pag-amin n’ya na s’ya nga ay isang “sister,”
So... Andercooper is no longer undercover!
Dun sa mga beki na ‘di pa kumu-Cooper,
Ano sis, undercover na lang ba forever?
Tigilan na ‘yang pagpapel ng Gary Cooper,
Go na so you can live happily ever after.
May mga nanghinayang ding mga babae
At nag-rejoice naman to the max mga beki,
Ngunit sa lahat isa lang aking nasabi
Na walang k’yeme, “’Yan ang tunay na lalaki!”
In other news... at sa balitang artista...
Star Wars! May divorce be with you naman ang drama,
Marami din ditong na-shock at na-intriga —
Si Katie Girl at Tom Boy ay naghiwalay na!
Kung ganon si Tom Boy ay hindi na Holmes-sexual,
Nasayang lang ang pagtalon n’ya at pa-epal,
Ito kaya ay merong kakambal na scandal?
May chance ba? Or do you smell something mga mahal?
Ang bintang ng iba kaugnayan ay meron
Sa Scientology na kanyang new religion,
Sila daw ay naniniwala sa alien forms
At misis daw n’ya’y hindi nagka-“Katie phone Holmes!”
At dito naman sa ating Philippine nation,
At mula sa CNN — Cigarette News Ngayon...
Ang Sin Taxes dodoblehin na’t tataasan
Kaya mamahal na ang yosi at pag-inom.
Gobyerno malaking buwis na hinihingi
Kaya malamang mabibisyo ay kokonti,
Magiging limang piso na tingi ng yosi!
Kokonti ang magyoyosi... dadami ang HINGI!
Lumaya na nang tuluyan ang kalayaan
At marahil “social media” din ay dahilan,
Lahat ubrang maging judge o ang bituin man,
Naging mabangis na rin ating kaisipan.
Akalain n’yong nagawa pang pelikula
Na si Abraham Lincoln ay Vampire Hunter pa!
O Dios ni Abraham! At hindi pa nagkasya,
May isa pang movie Zombie Hunter naman s’ya!
Kaya ako na rin ay hindi magtataka,
At dahil ang Pinoy naman ay gaya-gaya,
Sa inyong sinehan ay mag-abang-abang na —
“Andres Bonifacio... Kilabot ng Bampira!”
At hindi malayong maging mas mabangis pa
Ating imahinasyon at ito’y mapunta
Na si Rizal maging “Charlie” at ang “Angels” n’ya —
Si Urduja’t Gabriela at si Tandang Sora!
- Latest
- Trending